Bilang nalalapit na ang Araw ng mga Puso o Valentine’s day, hindi na bago sa mga magkarelasyon ang piliing manood at pumunta sa mga concert ng idol nilang mga OPM singers o maging OPM band.
Ano-ano nga ba ang mga concert o gig na swak puntahan ng kahit mag-isa, kasama ang mga kaibigan, at lalo na ang kasintahan sa paparating na Valentine’s day?
CHAMPIONS OF THE HEART
Isa sa mga pangunahin at bibigating concert na nakatakda para sa Valentine’s day ay ang “Champion of the Heart” na pangungunahan ng limang bibigating mga singer at OPM icons sa bansa na sina Martin Nievera, Sofronio Vasquez, Jed Madela, Jona, at Klarisse de Guzman.
Opisyal na poster ng Champions of the Heart
Ayon pa sa stage director ng concert na si John Prats, sinabi niyang wala raw script ang “Champions of the Heart” dahil gusto raw nilang maging “organic” pagkukuwento ng mga nasabing singer tungkol sa kanilang personal na pag-ibig at buhay.
“Itong concert na ’to, walang writer because I believe that the artists... sila mismo ang writer ng sarili nilang love, ng sarili nilang buhay. We want it to be organic na manggaling sa kanila ang mga kuwento,” anang direktor.
Dagdag niya, “Why Champions of the Heart? Because in love, sometimes we win, sometimes we lose. But if we lose, it doesn’t mean that we’re not champions. We’re still champions because we grow as human beings.”
Kaugnay, nakatakdang idaos ang “Champions of the Heart” sa paparating na Pebrero 14, 2026, sa Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, Pasay, Metro Manila, sa ganap na 8:00 ng gabi.
Maaring makabili ng ticket ng nasabing concert online sa website ng premier.ticketworld.com.ph, at https://tickets.newportworldresorts.com/.
LOVE LETTERS
Kung hindi uubra sa “Champions of the Heart,” maaaring isama ng mga couples ang paparating din na Maestro Class Concert Series na may titulong “Love Letters” ang national artist na si Ryan Cayabyab.
Makakasama niya sa nasabing concert ang mga batikan ring OPM icons na sina Basil Valdez, Celeste Legaspi, at Ogie Alcasid kung saan ibibida nila ang mga kanta nina George Canseco, Jose Mari Chan, at Willy Cruz.
Opisyal the poster ng “Love Letters.”
Nakatakda itong ganapin mula sa paparating na Pebrero 13 hanggang Pebrero 15, 2026 sa Proscenium Theater sa Rockwell Center, Makati.
Maaring makabili ng ticket ng nasabing concert online sa website ng premier.ticketworld.com.ph.
FOR THE ONES WE LOVE
Bukod naman sa naunang mga nabanggit, hindi rin papahuli ang nakahanda na ring concert ng isa sa pinakasikat na OPM band sa bansa na December Avenue.
Pinangalanan nila ang nakatakda nilang konsyerto na “For the One We Love” na nakatakdang ganapin sa paparating na Pebrero 14, 2026, sa Araneta Coliseum sa ganap na 8:00 ng gabi.
Opisyal na poster ng “For the Ones We Love.”
Ilan sa mga naging tanyag o sumikat na kanta ng December Avenue ay ang “Sa Ngalan Ng Pag-ibig,” “Bulong,” “Kung ‘Di Rin Lang Ikaw” kasama OPM singer din na si Moira Dela Torre, “Huling Sandali,” at iba pa.
Maaari namang makabili ng ticket sa concert ng December Avenue sa website ng ticketnet.com.ph/.
IKAW
Para naman sa mga minsang nahumaling sa mga kantang “Sino Ang Baliw?” “I Think I’m in Love” at naging hits song noon na “Till I Met You” ng Filipina singer na si Kuh Ledesma mula sa panulat ni Odette Quesada.
Photo courtesy: Kuh Ledesma (IG).
Pormal na inanunsyo ni Ledesma sa kaniyang Instagram post ang kaniyang concert sa paparating na 7:30 ng gabi sa Pebrero 14, 2026, na nakatakdang ganapin sa Hacienda Isabella sa Indang, probinsya ng Cavite.
“I’m so excited to share a very special evening with you... “IKAW,” my Valentine show set in the most romantic of settings. It’s a night of timeless love songs, from the many Filipino classics titled Ikaw to beautiful English love songs, all woven together by one simple inspiration… you,” mababasa sa caption ni Ledesma.
Maaaring mag-inquire sa mga numerong 09608850288 at 09202868895 para sa pagbili ng ticket.
HEY IT’S ME, SO IT’S YOU
Bukod naman sa mismong araw para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, maaari ring pumunta sa nakatakdang concert nina OPM icons Raymond Lauchengco at mapa-I’ve Falling For You ng kasama si Jamie Rivera.
Opisyal na poster ng "Hey It's Me, So It's You."
Nakatakda ang kanilang concert na “Hey It’s Me, So It’s You” bago ang Valentine’s Day sa paparating na Pebrero 13, 2026, sa Isla Ballroom, EDSA Shangri-La Manila, ganap na 7:30 ng gabi.
Maaaring tumingin at bumili ng ticket nina Raymond at Jaime online sa website na ito premier.ticketworld.com.
Mc Vincent Mirabuna/Balita