February 07, 2026

Home BALITA

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte
Photo Courtesy: via MB

Naghayag ng pakikiisa ang Akbayan Partylist para sa mga residente ng Dupax Del Norte na tumitindig upang tutulan ang pagmimina sa nasabing lugar.

Sa latest Facebook post ng Akbayan nitong Biyernes, Pebrero 6, kinondena nila ang umano’y walang pakundangan at marahas na paglabag sa karapatan ng mga taga-Dupax Del Norte.

Aniya, “Naniniwala ang Akbayan sa boses ng mamamayan, at ang kapangyarihan nitong magdikta para sa kapakanan ng kanilang lokalidad at pamayanan.”

 “Naninidigan tayo sa pagpasa ng Alternative Minerals Management Bill (AMMB) na binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ang taumbayan at kalikasan sa pamamahala at paggamit ng likas na yamang mineral,” dugtong pa ng Akbayan.

Probinsya

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan

Sa huli, tiniyak ng grupo ang suporta nila para sa mga batayang sektor tulad ng mga katutubo at magsasaka na ipinaglalaban ang kanilang karapatan na makapagpasya para sa kanilang lupa at teritoryo.

Nagpaabot din kamakailan ng suporta at pakikisimpatya si Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma para sa mga taga-Dupax del Norte na nag-organisa ng kilos-protesta kontra pagmimina.

Matatandaang nag-ugat ang pagkilos na ito matapos aprubahan noong Agosto 2025 ng  Departmennt of Enviroment and National Resources (DENR)-Mines and Geosciences Bureau ang "Exploration Permit" ng Woggle Corporation bilang paghahanda sa tangkang pagmimina sa higit 3,100 ektaryang lupain sa Dupax Del Norte.

Maki-Balita: Miss Earth PH Joy Barcoma, suportado anti-mining protest sa Nueva Vizcaya