February 05, 2026

Home BALITA

Sandigangbayan, tinanggihan hiling ni Bong Revilla na makulong sa Camp Crame

Sandigangbayan, tinanggihan hiling ni Bong Revilla na makulong sa Camp Crame
Photo courtesy: via Senate of the Philippines

Tinanggihan ng Sandiganbayan Third Division nitong Huwebes, Pebrero 5, 2026 ang hiling ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na mailipat ang kanyang detensiyon sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil umano sa kawalan ng sapat na batayan.

Dinidinig ng anti-graft court ang kasong malversation laban kay Revilla kaugnay ng umano’y ₱92.8 milyong ghost flood control project sa Bulacan.

Sa isang 30-pahinang resolusyon na may petsang Pebrero 5, sinabi ng Sandiganbayan na ang Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas Road at ang Female Dormitory sa Camp Tomas B. Karingal sa Barangay Sikatuna Village, Quezon City ang itinalagang mga pasilidad ng kulungan para sa mga sangkot sa isyu ng flood control projects.

Dahil dito, itinuring ng korte na ang dalawang detention facility ay “well prepared” para sa inaasahang pagdami ng mga suspek na haharap sa mga kasong may kaugnayan sa flood control controversy.

Probinsya

‘Probability of survival, no longer feasible’ – CGDSEM sa isinagawang ‘search and rescue’ sa MBCA Amejara

Dagdag pa ng Sandiganbayan, parehong may negatibong congestion rate ang mga pasilidad at may kakayahang tanggapin si Revilla habang nililitis ang kanyang kaso.

 Binanggit din na ang mga ito ang pinakamalapit na pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Sandiganbayan.

“The court visited the jail facilities where the accused are being detained on January 23, 2026. As to the Male Dormitory, the court is convinced that the jail’s security measures are sufficient for the safekeeping of Revilla and the other accused,” ayon sa Sandiganbayan.

“From the foregoing, there is no basis for the Revilla’s claims of harm, harassment, and threat to his person that would warrant a transfer of his custody to any PNP custodial facility. After due consideration, the court denies the motions to transfer the commitments of Revilla and [former DPWH Bulacan First District Engineering Office Engr. Emelita] Juat to a PNP custodial facility,” dagdag pa nito.

Si Juat ay isa sa anim na co-accused ni Revilla sa kasong malversation kaugnay ng umano’y ghost project sa Pandi, Bulacan.

Bilang tugon sa desisyon ng korte, sinabi ng lead counsel ni Revilla na si Ramon Esguerra na pinag-aaralan pa nila ang mga susunod na legal na hakbang na maaaring gawin.

“The Defense team [would have] to still meet on the next remedies to be availed of,” pahayag ni Esguerra.

Inirerekomendang balita