February 05, 2026

Home BALITA

Magkatrabahong nagkapikunan sa biruan, nauwi sa pananaga; 1 patay!

Magkatrabahong nagkapikunan sa biruan, nauwi sa pananaga; 1 patay!

Nasawi ang isang 45-anyos na lalaki matapos umanong pagtatagain ng kaniyang katrabaho sa Barangay Tactac, Balayan, Batangas.

Batay sa inisyal na impormasyon ng Balayan Municipal Police Station, kapwa nagtatrabaho bilang tagaputol ng tubo ang biktima at ang suspek sa lugar ng insidente.

Sa ulat, nagsimula lamang umano sa biruan ang dalawa ngunit kalaunan ay nauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Bunsod niito, pinagtataga umano ng suspek ang biktima nang paulit-ulit sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Impeachment complaints kay VP Sara, 'di pa raw transmitted kay House Speaker Dy!

Saksi ang ilang residente sa pangyayari at agad na isinugod sa ospital ang biktima, subalit kalaunan ay idineklarang patay dahil sa tindi ng mga sugat na tinamo nito, partikular sa likod.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang isinasagawa rin ang manhunt operation laban sa suspek na tumakas matapos ang insidente.