February 05, 2026

Home BALITA

‘Connectivity is a right, a necessity, and a lifeline!’ PBBM, layong palawakin 'internet access' sa buong bansa

‘Connectivity is a right, a necessity, and a lifeline!’ PBBM, layong palawakin 'internet access' sa buong bansa
Photo courtesy: RTVM/YT


Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas maraming mga lugar pa ang magkaroon ng internet access sa buong Pilipinas.

Sa isinagawang Philippine Telecommunication Summit nitong Huwebes, Pebrero 5 sa Newport Resorts World, Pasay City, binigyang-diin ng Pangulo ang “commitment” ng administrasyon na bigyan ng pagkakataong magkaroon ng access sa internet ang bawat Pinoy.

“At this year’s telecommunications summit, we are reaffirming a commitment of this administration that every Filipino, wherever they might be, gains the opportunity to connect, to learn, to work, and to move forward,” ani PBBM.

Saad pa niya, “We have seen this progress take shape—the rollout of 5G networks, the deployment of fiber optic cables, the growth of mobile broadband, and the rise of digital services have transformed how Filipinos communicate, how they study, do business, and engage with [the] government.”

Paglilinaw ni PBBM, hindi lang umano nasusukat ang kaunlaran sa bilis ng internet, kung hindi sa mga buhay na na napaangat at napaasenso nito.

“Ngunit hindi lamang ang bilis ng internet connectivity nasusukat ang kaunlaran; nasusukat ito sa bawat Pilipinong nagkaroon ng pagkakataong guminhawa, umasenso at umangat ang kanilang buhay. Nakikita rin ito sa mga estudyanteng nakatira sa mga liblib na lugar, ngunit kaya nang pumasok at mag-aral sa online class,” anang Pangulo.

Dagdag pa niya, “Sa ating mga kababayan na nakapag-register nang online upang makakuha ng mga serbisyong pangkalusugan o pinansyal, at sa mga pamilyang mas napapalapit sa mga impormasyon at oportunidad. After all, in today’s age, connectivity is a right, a necessity, and a lifeline.”

Pagdidiin ng Pangulo, hindi ito kaya ng isang sektor—at nararapat na magtulungan ang pamahalaan, pribadong sektor, at lokal na pamayanan, upang wakasan ang mga hamon pagdating sa isyu ng internet.

Sandigangbayan, tinanggihan hiling ni Bong Revilla na makulong sa Camp Crame

“Kasama ang Department of Informations and Communications Technology (DICT), isinusulong natin ang mas mabilis na reporma upang mas maging mas mabilis at abot-kaya ang ating mga binibigay na internet services. Kasabay nito, patuloy nating pinapalawak ang saklaw na konektibidad sa buong bansa,” aniya.

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita