February 05, 2026

Home BALITA

Basyang, magla-landfall sa Surigao del Sur; wind signal no. 2, nakataas na!

Basyang, magla-landfall sa Surigao del Sur; wind signal no. 2, nakataas na!
PAGASA

Inaasahang magla-landfall ang Tropical Storm Basyang sa Surigao del Sur ngayong Huwebes ng gabi, Pebrero 5, 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa press briefing ng PAGASA, inaasahan ang pag-landfall ng bagyo sa Surigao del Sur ngayong gabi o mamayang madaling araw ng Biyernes, Pebrero 6. 

Huling namataan ang bagyo sa layong 115 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-west northwestward sa bilis na 25 kilometers per hour.

Bagama't hindi pa nagla-landfall, nakararanas na ng pag-ulan ang ilang lugar sa Eastern Visayas, CARAGA, at Northern Mindanao dahil sa bagyo, ayon pa sa weather bureau.

#WalangPasok: Listahan ng class suspensions sa Feb. 6 dahil sa Bagyong 'Basyang'

Dagdag pa ng PAGASA, sa oras na mag-landfall ang bagyo, tatawirin nito ang Eastern at Northern Mindanao. 

Samantala, nakataas na ang tropical wind signal no. 2 at 1 sa ilang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

WIND SIGNAL NO. 2
VISAYAS
Siquijor
Southern portion ng Negros Oriental
Southern portion ng Negros Occidental
Southern portion ng Cebu
Southern portion ng Bohol 

MINDANAO
Surigao del Norte kabilang ang Siargao - Bucas Grande Islands
Surigao del Sur
Extreme northern portion ng Davao Oriental
Agusan del Norte
Agusan del Sur
Misamis Oriental
Northern portion ng Bukidnon
Northeastern portion ng Lanao del Norte
Northeastern portion ng Misamis Occidental
Camiguin

WIND SIGNAL NO. 1
LUZON 

Southern portion ng Occidental Mindoro
Southern portion ng Oriental Mindoro
Northern portion ng Palawan
Southern portion ng Masbate

VISAYAS
Southern portion of Eastern Samar
Southern portion of Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Nalalabing bahagi ng Bohol
Nalalabing bahagi ng Cebu
Nalalabing bahagi ng Negros Oriental
Nalalabing bahagi ng Negros Occidental
Guimaras
Iloilo 
Capiz
Aklan
Antique

MINDANAO
Dinagat Islands
Northern at central portions ng Davao Oriental
Davao de Oro
Davao del Norte
Northern portion ng Davao del Sur
Nalalabing bahagi ng Bukidnon
Northern portion of Cotabato 
Lanao del Sur
Northern portion ng Maguindanao del Norte
Northern portion ng Maguindanao del Sur
Nalalabing bahagi ng Lanao del Norte
Nalalabing bahagi ng Misamis Occidental
Eastern at central portions ng Zamboanga del Norte
Northern at central portions ng Zamboanga del Sur
Northern portion ng Zamboanga Sibugay