February 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Barbie Imperial umaray sa bansag na kabit, third party, mang-aagaw

Barbie Imperial umaray sa bansag na kabit, third party, mang-aagaw
Photo courtesy: Screenshot from Ogie Diaz Inspires (YT)/Richard Gutierrez, Sarah Lahbati (IG)

Pinabulaanan ng aktres na si Barbie Imperial na hindi totoo ang mga bansag na ibinabato sa kaniya gaya ng "kabit" at "mang-aagaw."

Sa panayam sa kaniya sa vlog na "Ogie Diaz Inspires," natanong sa kaniya ni Ogie kung anong pinakamalalang bashing ang natanggap niya.

Sagot naman ni Barbie, ang pakikipagrelasyon niya kay Richard Gutierrez, na alam naman ng lahat na estranged husband ni Sarah Lahbati.

Pag-amin ni Barbie, talagang na-depress siya sa mga ipinukol na paratang sa kaniya ng mga netizen, na kesyo siya raw ang third party kaya nasira ang relasyon ng mag-asawa.

Tsika at Intriga

Kitkat, sinupalpal ni Jeremy Favia; biyenan, pinahiya sa umano'y expired na pasalubong?

Nang mga sandaling iyon, hindi raw makapagsalita si Barbie dahil ayaw niyang mag-trigger ito ng reaksiyon mula kay Sarah.

Hinintay na lang daw ni Barbie ang tamang panahon para magsalita tungkol sa intriga.

"Alam ko naman sa sarili ko na wala akong inagaw!" sey ni Barbie.

"Knowing ako, Tito, sasagot talaga ko. Pero noong time na 'yon, hindi ako puwedeng sumagot..." aniya pa.

Nilinaw ni Barbie na nang pumasok siya sa buhay ni Richard, wala na raw sila ni Sarah.

"Opo, wala na po sila no'n. Hindi ko lang po sigurado Tito [Ogie] kung anong month 'yong eksaktong naghiwalay sila, pero 'yong amin po ni Richard nag-start noong pumunta po kami ng Tipsy Pig, kasi part-owner po ako doon," paliwanag ni Barbie.

"Pumunta rin po si Richard to support Tipsy Pig for Neil Arce, tapos doon po nagkakilala kami, tapos na-videohan na agad. Nagchichikahan pa lang kami no'n may video na. Tapos kinaumagahan, ang dami nang nagagalit, which is for me naman, it's also valid because 'yong dalawa shared 11 beautiful years," paliwanag pa niya.

"Kung anuman po 'yong naging rason ng hiwalayan nilang dalawa [Richard Gutierrez at Sarah Lahbati], masasabi ko po, at alam ng Diyos po, na hindi po ako 'yon, Tito," pagdidiin ni Barbie.

"Alam po ng buong showbiz 'yan, ng mga nakakakilala kay Richard, kay Sarah, and sa akin, and si Sarah po and si Richard alam po nila pareho kung ano talaga 'yong reason ng hiwalayan po nila, and alam po nila pareho na hindi po ako 'yon, at kung anuman po 'yon, siyempre hindi ko po istorya 'yon..." aniya pa.

Kaugnay na Balita: Hiwalay na saka umeksena: Barbie pumasok sa buhay ni Richard, wala na sila ni Sarah!