February 05, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Pinoy romance films na swak i-binge watch kasama ang jowa sa Valentine’s Day

ALAMIN: Pinoy romance films na swak i-binge watch kasama ang jowa sa Valentine’s Day
Photo courtesy: Freepik,Pexels

“Movie night and chill?” 

Para sa couples na low-budget at intimate set-up ang hanap ngayong Valentine’s, swak ang movie date idea para masulit ang oras kasama ang isa’t isa. 

Dahil ayon sa ilang pag-aaral, ang movie date ay nakatutulong bumuo ng emotional connection sa dalawang tao, partikular sa mga taong may introverted personality na ang hanap ay isang “getting-to-know” moment na walang pressure ng sapilitan na social interaction. 

Bukod pa rito, mainam din na maging “conversation starter” ng mag-partner ang plot at mga karakter sa pelikulang pinanuod para sa mas mahaba at makabuluhang usapan sa date. 

Human-Interest

Parokya sa Las Piñas, nagbabala laban sa ‘Novena’ na may halong pamahiin

Ayon pa sa mga pag-aaral, ang pamimili ng pelikula ay maaari ding magsilbi na “mini personality test” para ipakita ang personalidad sa partner o para mas makilala pa ito, lalo na kung bago pa lamang na magkasama. 

Kaya narito ang ilan sa mga pelikulang Pinoy na magandang panoorin sa Valentine’s: 

1. Sana Maulit Muli (1995) 

Para sa couples na 90s classic ang hanap, sinusundan rito ang istorya ng mahiyain na si Agnes (Lea Salonga) at free-spirited na si Jerry (Aga Muhlach) na nagkaroon ng pangalawang taon sa pag-ibig matapos silang maghiwalay dahil sa long-distance set-up. 

2. One More Chance (2007)

“Poy, ngayon lang!” 

Bukod sa iconic na “chicken skin break-up” nina Popoy (John Lloyd Cruz) at Basha (Bea Alonzo), sinundan sa classic Pinoy film na ito ang istorya ng “long-term relationship” nina Popoy at Basha, at ang pagsubok nilang mag-move on mula sa mga alaalang nabuo sa matagal nilang pagsasama. 

3. A Very Special Love (2008)

Kung office-romance ang hanap, ang “A Very Special Love” ay istorya nina Laida (Sarah Geronimo), na isang editorial assistant na nagtatrabaho para sa publication ni Miggy (John Lloyd Cruz). 

Sa kabila ng pagiging isnabero ni Miggy sa staff niya, makikita rito na patuloy na naging dedicated si Laida rito sa kabila ng mga pressure sa kompanya, na nagdulot para kalauna’y mas mahulog ang loob nila para sa isa’t isa. 

4. That Thing Called Tadhana (2014)

Kung hindi kaya ng time umakyat sa Sagada, panoorin na lang ang “That Thing Called Tadhana” na sinundan ang istorya nina Mace (Angelica Panganiban) at Anthony (JM De Guzman), na aksidenteng nagkakilala sa eroplano mula sa Rome pauwi ng Pilipinas. 

Dahil parehas na brokenhearted, napag-isipan nilang bumisita sa Sagada, kung saan mas nakilala nila ang isa’t isa ang kuwento sa likod ng mga nabigo nilang relasyon. 

5. Love You to the Stars and Back (2017)

Para sa couples na quirky at science fiction ang hanap sa isang pelikula, ang “Love You to the Stars and Back” ay ikinukuwento ang istorya nina Mika (Julia Barretto), na naghahanap ng aliens sa kaniyang adventure, at Caloy (Joshua Garcia), na natutong harapin at tanggapin ang kaniyang sakit na cancer. 

Sa kalagitnaan ng kanilang aksidenteng pagkakatagpo ay nakahanap sila ng pag-ibig sa isa’t isa.

6. One Hit Wonder (2025)

Para sa couples na nostalgia ang hanap, sa 90s-setting romantic-comedy na ito, sinundan ang istorya sa likod ng pag-awit nina Entory (Khalil Ramos) at Lorina (Sue Ramirez), na parehas may alab sa larangan ng musika, pagtugtog, at pagsulat ng mga ito. 

Sa paggawa nila ng paraan para mailagay ang pangalan nila sa larangang ito, natagpuan nila ang magkaibang kahulugan ng kasikatan at pag-abot sa ng kanilang mga pangarap.

7. My Love Will Make You Disappear (2025)

Para sa couples na quirky fantasy at romantic-comedy ang hanap, sinundan rito ang istorya ni Sari (Kim Chiu) na isinumpa at ang heartbroken na si Jolo (Paulo Avelino).

Dahil sa lubos na pagka-intriga ni Jolo sa sumpa ni Sari, naging “goal” niya na ligawan ito hanggang sa mahulog ang loob ni Sari sa kaniya, gayunpaman, dahil sa takot na masaktan, sinubukang lumayo ni Sari para protektahan ang puso niya. 

Sean Antonio/BALITA 

Inirerekomendang balita