Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical wind signal no. 1 sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa bagyong Basyang.
Base sa 11:00 AM weather bulletin ng PAGASA nitong Miyerkules, Pebrero 4, huling namataan ang bagyo sa 735 kilometro Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. May taglay ito ng lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour.
Kumukilos ito pa-Timog Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Bilang paghahanda, itinaas na ng PAGASA sa wind signal no. 1 ang Surigao del Sur at eastern portion ng Surigao del Norte, kabilang ang Siargao-Bucas Grande Islands.
Samantala, inaasahan ding magiging tropical storm ang bagyo.