Sumampa na sa 45 katao ang namatay sa sakunang sinapit ng barkong MV Trisha Kerstin 3 noong Lunes ng madaling araw, Enero 26, sa Baluk-Baluk Island, lalawigan ng Basilan.
Ayon sa ulat na ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG), nadagdagan ng dalawa nitong Miyerkules, Pebrero 4, ang naiulat na nasawi matapos ang kanilang patuloy na search and rescue (SAR) operations sa kalapit na katubigan ng Baluk-Baluk Island.
Narekober ang mga katawan sa pinagsama-samang tulong ng SAR team, government agencies, local government units, at maging fisherfolk volunteers—na siyang beberipikahin at bibigyan ng wastong disposisyon.
Samantala, nananatili pa rin sa 316 ang mga nakaligtas sa nasabing insidente.
KAUGNAY NA BALITA: Mga nasawi sa MV Trisha Kerstin 3, nadagdagan pa ng 3; ‘survivor count,’ nasa 316 pa rin!-Balita
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, ikinalungkot trahedya ng MV Trisha Kerstin 3; patuloy pananalangin para sa kaligtasan-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
Nasawi sa pagtaob ng MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 45!
Photo courtesy: PCG