February 04, 2026

Home BALITA

2 lotto winner kumubra na, pinaghatian ang ₱33-M premyo ng Mega Lotto!

2 lotto winner kumubra na, pinaghatian ang ₱33-M premyo ng Mega Lotto!
PCSO

Kinubra na ng dalawang lotto winner ang pinaghatian nilang ₱33 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noong Enero 21, 2026, ayon sa PCSO.

Pareho nilang nahulaan ang winning numbers na 28-12-02-15-23-13.

Ang unang lucky winner ay mula sa Davao City na nagtatrabaho sa transportation industry. Aniya sa panayam ng PCSO, ang naturang winning numbers ay hango sa importanteng petsa sa kanilang pamilya at edad. 

Plano niyang gamitin ang napanalunan sa pagpapatayo ng bahay, mag-invest ng taxi units, at maliit ng grocery.

Politics

‘It was the majority!' Liderato ni SP Sotto sa Senado, napanatili pa rin ng mayorya?

Ang pangalawang winner naman ay isang seafarer na tumataya na sa lotto mula pa noong 1990s. Tumataya raw siya kapag nakakapagbakasyon siya. 

Nang malaman niyang may kahati siya sa premyo, patuloy muna raw siyang magtatrabaho sa ngayon. At kinokonsidera niyang magretiro sa susunod na limang tao at para masimulan ang pagnenegosyo.