February 03, 2026

Home BALITA

Sen. Bato, ibinida pagtatanim ng puno ng kaniyang Chief-of-Staff; netizens, nabanas?

Sen. Bato, ibinida pagtatanim ng puno ng kaniyang Chief-of-Staff; netizens, nabanas?
Photo courtesy: File Photo, Senator Ronald "Bato" Dela Rosa (FB)

Tila hindi natuwa ang netizens sa isang post sa social media ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kung saan ibinida nito ang pagtatanim ng isang puno ng kaniyang Chief-of-Staff sa Senado. 

Ayon sa mga ibinahaging larawan ni Dela Rosa sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Pebrero 2, 2026, makikita ang pagtatanim ng Chief-of-Staff ng kaniyang opisina na ipinakilala niyang si Macky Estoesta sa Senate parking Annex. 

Ani Dela Rosa, parte raw iyon ng tree planting activity nila at ang itinanim ng kaniyang empleyado ay puno ng Balitbitan. 

“Naki-isa si Chief-of-Staff Macky Estoesta ng opisina ni Senator Bato Dela Rosa sa tree planting activity sa Senate Parking Annex ngayong hapon kung saan siya ay nagtanim ng isang sapling ng puno ng Balitbitan,” anang senador. 

National

PCG Spox Tarriela, pinasalamatan sina SP Sotto, Sen. Ping sa pagpuna sa mga ‘traydor’ na senador!

Photo courtesy: Senator Ronald 'Bato' Dela Rosa (FB)

Screenshot mula sa FB post ni Dela Rosa. 

Matapos nito, nagawa ng magpasalamat ni Dela Rosa sa Senado at Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa naturang aktibidad. 

“Salamat po sa Senado at sa Department of Environment and Natural Resources para sa napaka makabuluhang aktibidad na ito,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, tila nabanas naman ang netizens sa nasabing post ng senador at hindi nila napigilang magpahayag ng kanilang reaksyon. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ni Dela Rosa:

“Mak, akoa nalang ng golden shovel and wheelbarrow.” 

“Mag tatanin ng konting puno.. Tapos panay naman approve sa mining industry.. walang nag proprotekta at lumalaban na pulitiko sa mga kapitalista sumisira ng kalikasan.” 

“Next project: beautification of pavement kasi nasira ng ugat ng puno ung daan.”

“Mag kano kaya yan ahaha at ilang days kaya mabubuhay yan.” 

“Achievement na nila yan for 2026. Puro tago na yung the rest. HAHAHA” 

“Anong gagawin namin diyan?” 

“Yan na ba output ng 300k salary? 1 tree planting? Nakakahiya nman sa factory workers na kaltas agad sahod ng tax.” 

“Naka ilang picture kayo jan sa iisang tinanim nyo? Tsaka sure ba kayo na lalaki yan? Sure ba kayo na di masisira ng ugat nyan yung parking pag lumaki?” 

“Forward thinking.... paglaki nyan titibagin ung semento... may project n nmn... reblocking....” 

“Sobrang makabuluhan nitong proyektong ito. naiiyak ako.” 

MAKI-BALITA: Sen. Bato, 'di pa rin nagparamdam sa Senado—SP Sotto

MAKI-BALITA: Sen. Bato kung magpapakabato, samahan si FPRRD!—Trillanes

Mc Vincent Mirabuna/Balita