February 03, 2026

Home OPINYON Ka-Faith Talks

#KaFaithtalks: Sobrang busy? Huwag kalimutang magpahinga sa presensya Niya

#KaFaithtalks: Sobrang busy? Huwag kalimutang magpahinga sa presensya Niya
Photo courtesy: Unsplash

Kulang na kulang 24 hours sa lahat ng ginagawa ko. 

Narinig mo na rin ba ang rant na ito? O baka ikaw mismo ganito ang pakiramdam mo sa araw-araw?

‘Yong tipong, papasok ka sa paaralan o trabaho bago pa sumikat ang araw, pag-uwi mo, madilim pa rin. 

Kadalasan pa nga, jampacked na ang schedule dahil nag-uumapaw na ang mga ganap sa maghapon. 

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Mga Bible verse na puwedeng maging kalakasan sa araw-araw

“Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.” - Mateo 6:33

Pangako ng Panginoon na kung gagawin natin Siyang prayoridad sa buhay natin, ibibigay Niya mga pinagdarasal natin nang naaayon sa mga plano Niya. 

Hindi natin kailangan pasanin ang bigat ng mga problema sa araw-araw, hindi natin kinakailangan umasa sa sarili nating mga kaalaman at talino dahil siya ang “in-charge.”

Ang kailangan lang natin ay unahan Siya bago ang lahat. 

Nais ng Panginoon ang isang relasyong hindi lang isinisingit sa schedule, kundi nilalaanan dapat ng oras, intentional kumbaga.

Kaya gaano man tayo ka-busy, gaano man ka-hassle ang araw-araw natin, tinitiyak ng Panginoon na may saya, kapayapaan, at kapahingahan sa presensiya Niya (Mateo 11:28-30; Mga Awit 73:26). 

Dahil sa reyalidad ng buhay, marami talagang hahatak sa atin palayo sa Diyos, mapa-bisyo man ito o sobrang subsob sa mga gawain, pero kailangan natin maging matibay sa pananampalataya. 

Hindi natin ito magagawa sa sarili lang natin na kagustuhan, kaya sabi sa Josue 1:8, “Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag aalisin sa iyong bibig, kundi ito ay iyong pagbubulay-bulayan araw at gabi, upang iyong masunod ang ayon sa lahat ng nakasulat dito; sapagkat kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at magtatamo ka ng tagumpay.” 

Sean Antonio/BALITA