Labis na tuwa at kasiyahan ang dala ng isang Pinay matapos siyang magbigay ng tips sa renowned at iconic host na si Steve Harvey, upang ito ay suwertehin sa nakatakda nitong hosting sa Miss Universe (MU) pageant.
Sa isang throwback video na ibinahagi ni Steve noong Sabado, Enero 31, 2026 sa kaniyang Facebook page, mapapanood ang pagbabahagi ng Pinay ng ilang “advice” para sa kaniya.
Anang Pinay, dapat daw na kumain si Steve ng labindalawang (12) ubas—hindi labing-isa (11), kung hindi labindalawa (12).
Dagdag pa niya, huwag daw gugupitin ni Steve ang kaniyang kuko bago pa man idaos ang pageant, dahil ito raw ay may dalang kamalasan.
Panghuli, inabisuhan siya ng Pinay na magsuot ng “polka dots outfit.”
Giit pa niya, may dala itong suwerte kay Steve kung susundin man niya ang tatlong nabanggit na tips.
Pinasalamatan naman ni Steve ang Pinay sa dala nitong mga advice.
Matatandaang tumatak sa kasaysayan ng Miss Universe pageantry si Steve Harvey, kung saan mali niyang naianunsyo ang Miss Universe 2015.
Sa una niyang deklarasyon, si Ariadna Gutierrez ng Colombia ang kaniyang nabanggit, ngunit kalauna’y nanghingi siya ng paumanhin dahil si Pia Wurtzbach pala ng Pilipinas ang tunay na nagwagi.
KAUGNAY NA BALITA: Iconic host Steve Harvey, ‘di magbabalik sa bagong edisyon ng Miss Universe-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
Steve Harvey, tinuruan ng Pinay ng mga tradisyong Pilipino na may dalang suwerte
Photo courtesy: Steve Harvey/FB