February 01, 2026

Home BALITA National

‘Pleasant talk!’ FL Liza, nakadaupang-palad si Chinese Ambassador Jing Quan

‘Pleasant talk!’ FL Liza, nakadaupang-palad si Chinese Ambassador Jing Quan
Photo courtesy: Liza Marcos, Chinese Embassy in Manila (FB)


Nagkita sa “Lang Lang: Live in Manila” noong Biyernes, Enero 30 sina First Lady Liza Araneta-Marcos at si Chinese Ambassador Jing Quan.

Sa isang social media post na ibinahagi ni FL Liza noong Sabado, Enero 31, makikita ang isang litrato kung saan dumalo ang dalawa sa naturang event.

“What a treat to see Lang Lang live in Manila,” saad ni FL Liza sa kaniyang post.

Giit pa niya, “A beautiful evening of music, mastery, and shared moments with so many who came simply to listen and feel his magic.”

Pinasalamatan din ng First Lady ang mga nag-organisa ng naturang event.

“Thank you to the organizers who helped make this happen,” aniya.

Photo courtesy: Liza Marcos/FB

Sa hiwalay na social media post namang ibinahagi ng “Chinese Embassy Manila” nitong Linggo, Pebrero 1, makikitang nagkita nga ang dalawa sa nasabing event.

“Pleasant talk with First Lady,” anila sa kanilang post.

Photo courtesy: Chinese Embassy Manila/FB

Si Lang Lang ay isang tanyag na piyanista, edukador, at pilantropo mula sa bansang China.

Sa kaugnay na balita, matatandaang tinutulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inihaing panawagan ng mga mambabatas na ideklarang persona non grata si Jing Quan.  

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, tutol sa pagdedeklarang persona non grata ambassador ng China—Usec. Castro-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA