February 01, 2026

Home BALITA

Kampo ni PSMS Mollenido, nilinaw na hindi siya inaresto kaugnay ng pagpatay sa mag-ina niya

Kampo ni PSMS Mollenido, nilinaw na hindi siya inaresto kaugnay ng pagpatay sa mag-ina niya

Nilinaw ng Rimando Law Office na hindi inaresto si Police Senior Master Sergeant (PSMS) John Mollenido, taliwas sa mga naunang ulat na nagsasabing nasa kustodiya na umano ng mga awtoridad ang naturang pulis kaugnay sa pagpaslang sa kaniyang asawa at walong taong gulang na anak.

Sa isang opisyal na pahayag na inilabas ng kaniyang abogado, sinabi ng Rimando Law Office na walang inilabas na balidong warrant of arrest laban kay Mollenido at mali umano ang mga ulat na nagsasabing siya ay inaresto na.

“We hereby clarify that our client, Mr. PSMS John Mollenido, is NOT under arrest,” ayon sa opisyal na pahayag na pirmado ni Atty. Cristobal Rimando.

Dagdag pa sa pahayag, “As of this time, no valid warrant of arrest has been issued by any competent court against him. Reports or statements suggesting that he has been arrested are inaccurate and misleading.”

Probinsya

Mister, sinaksak misis dahil sa tamang-hinala!

Ipinaliwanag din ng law office na kusang loob na humarap si Mollenido sa mga awtoridad at nakipagtulungan nang may mabuting loob, at hindi ito dapat ituring na isang pag-aresto.

“Our client voluntarily submitted himself and fully cooperated with the authorities in good faith. His appearance was an exercise of transparency and respect for due process and must not be misconstrued as an arrest,” ayon pa sa pahayag.

Matatandaang nauna nang lumabas ang mga ulat na inaresto na umano ng mga awtoridad si Mollenido, na asawa ng policewoman at ama ng walong taong gulang na batang kapuwa natagpuang patay kamakailan. Ayon sa mga ulat, noong Linggo, Pebrero 1, 2026 umano nang tuluyang arestuhin si Mollenido.

KAUGNAY NA BALITA: Asawa ng policewoman at tatay ng 8-anyos na batang natagpuang patay, inaresto na ng pulisya!

Bago ito, idineklara rin si Mollenido bilang person of interest (POI) ng mga awtoridad matapos siyang ituro ng isa sa mga suspek bilang umano’y responsable sa pagpatay sa kaniyang asawa.

Sa kabila ng mga naunang ulat, iginiit ng kampo ni Mollenido na mananatili siyang umaasa sa due process habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso.