February 11, 2026

Home BALITA

Patay na babae, natagpuan sa isang bangin sa Antipolo

Patay na babae, natagpuan sa isang bangin sa Antipolo
Photo courtesy: Pexels


Patay na ang isang babae nang matagpuan ng mga awtoridad sa isang bangin sa Marcos Highway, Antipolo City, sa lalawigan ng Rizal noong Huwebes, Enero 22.

Base sa ulat na ibinahagi ng Antipolo PNP nitong Biyernes, Enero 23, tinatayang nasa 20-anyos ang babae, na may taas na aabot aa 4’11” hanggang 5’0”.

Walang pagkakakilanlan ang babae maliban sa mga “identifying marks” nito katulad ng ahas na tattoo sa kaniyang kaliwang hita, pulang paru-paro sa kanang hita, at isang maliit na tattoo sa kaliwang braso.

Hindi pa tukoy ng awtoridad ang sanhi at motibo sa likod ng pagkamatay ng babae.

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

Sa kasalukuyan, ito ay patuloy na iniimbestigahan ng mga kinauukulan.

Vincent Gutierrez/BALITA