January 24, 2026

Home SHOWBIZ Blind Item

Aktres, nagpalaglag ng anak matapos mabuntis ng kilalang tao

Aktres, nagpalaglag ng anak matapos mabuntis ng kilalang tao
Photo Courtesy: Pexels

How true na may aktres umanong nagpalaglag ng sanggol sa sinapupunan matapos mabuntis ng isang kilalang personalidad?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Ogie na laman umano ng panaginip niya ang nasabing aktres.

“Sabi ng panaginip ko, may nangyari daw na mayro’ng isang aktres na nagpa-’Sunshine.’ Kung napanood n’yo ‘yong kay Maris Racal, ‘di ba ang pangalan n’ya do’n Sunshine?” saad ni Ogie.

Dagdag pa ng showbiz insider, “Nagpa-’Sunshine’ kasi sabi aware daw ‘yong nanay na nagpa-’Sunshine’ ang anak niya. Tapos sabi ng panaginip ko, kahit sino pa ang tatay, sana raw itinuloy na lang.”

Blind Item

Sinetch itey? ‘Artistang may guaranteed contract, tanggi nang tanggi sa teleserye’—Ogie Diaz

Ayon kay Ogie, bagama’t hindi umano artista ang nakabuntis sa aktres, kilalang tao raw ito.

“Kilalang-kilala raw ‘yong tatay kahit pa ito ay hindi artista,” aniya.

Pero maliban dito, wala nang iba pang detalyeng ibinigay si Ogie tungkol sa aktres. 

Ginamit ng showbiz insider ang terminong “Sunshine” bilang pamalit sa “pagpapalaglag” dahil ang pelikulang ito ay nakasentro sa naranasang struggle ng bidang babae sa isang bansang hindi tanggap ang konsepto ng aborsyon.

Sabi tuloy ni Ogie, “Baka ‘yon din ang katwiran niya parang sa “Sunshine” din. My body, my choice.”