January 26, 2026

Home BALITA

'You still want more?' Rep. Barzaga binengga si Razon sa pa-₱100M danyos kahit 'richest man' na!

'You still want more?' Rep. Barzaga binengga si Razon sa pa-₱100M danyos kahit 'richest man' na!
Photo courtesy: Kiko Barzaga/FB

Inalmahan ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang halaga ng hinihinging danyos umano ng negosyanteng si Enrique Razon matapos siyang sampahan nito ng two counts of cyberlibel.

Sa kaniyang Facebook account, tinapatan niya ng bible verse ang tila pagiging gahaman umano ni Razon sa pera.

“Enrique Razon is seeking over 100 million pesos in damages? You’re already the richest man in the country and you still want more?” ani Barzaga.

Hirit pa niya, “This is the type of greed that the Bible warns about.”

Trillanes, nagpasalamat kay Ogie Diaz matapos supalpalin si Belgica

Matatandaang noong Miyerkules din, Enero 14, 2026 nang tuluyang magsampa ng reklamong cyberlibel si Razon laban kay Barzaga bunsod ng mga tirada ng naturang kongresista sa kaugnayan umano niya sa ilang mambabatas.

KAUGNAY NA BALITA: 'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga

Samantala, sa kabilang banda, sinilip din ni Razon ang tila mga yaman din umano ng pamilya Barzaga at iginiit na dapat aniyang ipaliwanag ng kongresista ang mga ito.

“Barzaga should explain where their wealth comes from. He is a politician from a family that is only in politics—how did they become wealthy? Where does the cash that he posts in pictures come from?” ani Razon.

Dagdag pa niya, hindi umano karapat-dapat na manatili sa Kongreso ang mambabatas. “He belongs in another kind of institution, not Congress” pahayag pa ni Razon.

KAUGNAY NA BALITA: Barzaga should explain! Razon, kinuwestiyon yaman ng mga Barzaga