January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Narekober na bangkay sa Binaliw landfill landslide sa Cebu, pumalo na sa 18

Narekober na bangkay sa Binaliw landfill landslide sa Cebu, pumalo na sa 18
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Pumalo na sa 18 ang bilang ng mga narekober na katawan ng mga biktima, bandang 11:30 ng umaga nito ring Miyerkules, Enero 14, sa insidente ng Binaliw landfill landslide sa Cebu City na naganap noong Enero 8, 2026. 

Ayon ito sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Council (CCDRRMC) kung saan nakapagtala pa sila ng karagdagang bilang ng natagpuang bangkay ng mga biktima. 

Matapos ito ng naging opisyal na tala nila nang matagpuan nila ang tatlong (3) bangkay ng mga lalaki sa may A at B sector sa likurang bahagi ng warehouse area sa Binaliw landfill bandang 9:45 ng umaga nito ring Miyerkules. 

MAKI-BALITA: Narekober na bangkay sa Binaliw landfill landslide, umakyat sa 16; 20 pa nawawala

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Dahil dito, umabot na sa kabuuang bilang na 18 ang natagpuan ng mga awtoridad sa nasabing lugar na pinangyarihan ng insidente habang 18 pa ang nawawala, at 18 din ang naitalang nasaktan. 

Matatandaang na nagbaba ng “Cease and Desist Order” ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) - Environmental Management Bureau (EMB) Region VII nitong Lunes, Enero 12, para mahinto ang operasyon sa gumuhong landfill noong Huwebes, Enero 8.

MAKI-BALITA: ‘Cease and Desist Order,’ ibinaba ng DENR sa gumuhong landfill sa Binaliw, Cebu City

Tiniyak din ng noon ng DENR EMB Region VII na nakikipag-ugnayan na sila sa local government units (LGUs) upang mapag-usapan ang kanilang mga kasalukuyang direktiba sa waste management at kanilang 10-year Solid Waste Management Plan para maiwasan nang may maulit na kaparehong insidente sa hinaharap.

MAKI-BALITA: Mga narekober na katawan sa Binaliw landslide, pumalo na sa 11; mga nawawala, 25 pa

MAKI-BALITA: VP Sara nakiramay, personal na bumisita sa mga biktima ng Binaliw Landfill Landslide sa Cebu

Mc Vincent Mirabuna/Balita