January 18, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

May honest answer! Kween Yasmin, buntis na nga ba?

May honest answer! Kween Yasmin, buntis na nga ba?
Photo courtesy: Kween Yasmin (FB)

Nagsalita ang social media personality at content creator na si "Kween Yasmin" kaugnay sa tsikang buntis na raw siya.

Sa isang mahabang Facebook post nitong Lunes, Enero 12, mariing itinanggi ni Kween Yasmin ang kumakalat na espekulasyon.

Ayon sa kaniya, hindi siya buntis at nananawagan siyang tigilan na ang ganitong uri ng biro o pahayag sa comment section ng kaniyang mga post, dahil nakakaapekto na raw sa gigs at endorsements niya.

"Morning everyone, once for all to all of comments section pls stop comments section like saying pregnant daw Ako kahit Hindi naman. 2026 na po kaya sana Naman tantanan nyo na po kakasabi ng pregnant. Bakit po gusto nyo ko mabuntis agad? Work po Muna ako. Darating tayo dyan sa takdang panahon. Not today. Kasi work po Muna Ang uunahin ko," aniya.

Tsika at Intriga

Christian Antolin sumali sa '2016 trend,' flinex sina Vice Ganda at FPRRD

Ipinaliwanag din niyang hindi raw biro ang pagkakaroon ng anak dahil kaakibat nito ang buong atensyon, oras, at kakayahang magbigay ng pang-araw-araw na pangangailangan.

"Dahil Hindi madali magkaroon ng anak, sympre dun na attention mo at lahat lahat pagbibigay ng pangangailangan sa pang-araw-araw. Kaya hinihiling ko lang sana na itigil nyo na Ang pagcocomment sakin na buntis ka daw?pregnant ka daw? Honest answer: I'm not pregnant work po Muna focus ko ngayon. So pls stop making nonsense and Hindi Naman magandang biro na gagawin kang buntis sa comment section kahit Hindi Naman talaga. Sana Naman ito na yung huling habilin ko po for this."

Aminado rin si Kween Yasmin na ang ganitong mga komento ay may direktang epekto sa kaniyang trabaho lalo na sa mga endorsement at gigs na kaniyang tinatanggap. Dahil dito, hiniling niya ang pag-unawa at respeto mula sa publiko.

"Because they affect on my work to my endorsement, gigs. So pls stop doing this the nonsense sa comment section na pregnant. Kasi I'm not pregnant work po Muna focus ko and goals in my life. Tayo'y nagttrabaho ng marangal."

"Be serious guys and be respect [respectful]."

Sa huli, nagpasalamat si Kween Yasmin sa mga patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kaniya. Aniya, patuloy siyang magtatrabaho at magfo-focus sa kaniyang mga pangarap habang hinihiling na ito na sana ang huling pagkakataon na kailangan niyang magpaliwanag tungkol sa naturang isyu.

"Thanks so much everyone for understanding and support and sa mga naniniwala. Love you all," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Kween Yasmin/FB

Si Kween Yasmin ay matagal nang in a relationship kay Elmer Villacura, alyas "Troy Tuyor."