April 13, 2026

Home FEATURES Trending

Anak na commuter, sariling tatay ang na-book na rider!

Anak na commuter, sariling tatay ang na-book na rider!
Photo courtesy: dayumver08 (TikTok screenshot)

Kinagiliwan ng netizens ang aksidenteng pag-book ng isang anak sa kaniyang ama na ride-hailing app driver bilang sakay nito pauwi kamakailan. 

Mapapanood sa kasalukuyang viral TikTok reel na tila gulat pa ang ama nang makitang anak niya mismo ang sumasalubong sa kaniya sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila. 

“Susunduin tayo ng tatay ko, guys! Susunduin tayo,” saad pa ng anak at netizen na si Dhenver Perez. 

Ang nasabing reel ay kasalukuyan nang umani ng 435.1K engagements, 81.3K reshares, at 2077 comments, na karamihan ay nakisakay sa nakatutuwang pangyayari habang ang ilan ay nagkuwento pa ng sarili nilang experience nang maabutan din ng magulang sa kalsada. 

“[A]ko nga gagala after school, pag sakay ko ng bus papa ko pala conductor .” 

Trending

Mag-asawa, napagkakamalang kambal dahil sobrang magkamukha!

“[T]as pambayad mo galing sa kaniya haha.” 

“‘Nak pa-cancel na please... Mukang Hindi mo ako babayaran eh....” 

“Aangkas or tatakas .” 

“[T]atay: [S]a dami-dami ng mabu-book ko ‘yung anak ko pa talaga eh ‘yung babayad neto sa akin galing din sa akin.” 

“‘[Y]an din stress ko nung bata ako e, hindi makagala tricycle driver papa ko, kilala ako ng lahat ng tricycle driver samin, tapos madalas akong makita hirap tumakas.”

“Hahahshshshshhwhwhwhhah. Imbis na mag iisang byahe pa pinauwi mo na.” 

Sa isang panayam ni Dhenver sa media, ibinahagi niyang kumuha siya ng entrance exam sa isang pamantasan noong mga panahong ito at nag-book siya ng ride. 

Aniya pa, tinanggap naman daw ng ama niya ang booking at sabay na silang umuwi. 

Ibinahagi niya rin na “kiss” na lang daw ang ipinambayad niya sa ama. 

Sean Antonio/BALITA