April 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

'Sobrang proud lang ako sa mama ko!' Civil engineering student, nagpugay sa nanay niyang construction worker

'Sobrang proud lang ako sa mama ko!' Civil engineering student, nagpugay sa nanay niyang construction worker
Photo courtesy: Screenshots from Noriel Verances (TikTok)

Pumalo ng milyong views sa TikTok ang video ng civil engineering student na si Noriel Veraces matapos niyang magbigay-pugay sa inang si Daisy Veraces, na aniya'y isang construction worker.

Sa TikTok video ni Noriel noong Marso 3, sinabi niyang flinex niya ang inang si Daisy para sa pagdiriwang ng Women's Month.

"Sana kakayanin pa natin ma! Ps. Dahil sa Women’s month ngayon kaya pinost ko ito, sobrang proud lang ako sa mama ko!" mababasa sa caption ng post niya.

Proud na proud si Noriel sa kaniyang mama, dahil kahit ang trabahong itinuturing na panlalaki ay kaya nitong pasukin para lamang sa pag-aaral nilang magkakapatid.

Kaya pangako ni Noriel, kapag nakatapos na siya ng pag-aaral, babawi siya sa kaniyang ina sa pamamagitan ng pagtulong dito sa mga gastusin sa bahay, gayundin sa pagpapaaral sa mga nakababata pang kapatid.

Human-Interest

ALAMIN: Mga kadalasang dahilan ng aksidente sa daan at tips para sa kaligtasan sa pagbiyahe

Ipinakita rin ni Noriel ang screenshot ng mga gastusin niya sa pag-aaral.

Marami naman sa mga netizen ang nagkomentong nais nilang tulungan si Noriel sa pag-aaral; gayundin, may mga nag-alok naman ng trabaho kay Daisy para hindi na siya mag-construction worker.

Sa hiwalay na TikTok video, nagpasalamat naman si Noriel sa mga nagpaabot ng kanilang paghanga at pagsaludo kay Daisy, gayundin sa mga nagpaabot ng tulong.

"Maraming salamat daw po sa lahat ng naka-appreciate sa Mama ko, at lalong lalo na po sa mga nag abot ng tulong, maraming maraming salamat daw po!" aniya.