Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang social media post ang tungkol sa gaganaping misa at panalangin para sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyan pa ring nasa detention facility ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity, dahil sa war on drugs noong kaniyang administrasyon.
Sa isang post na ibinahagi ng bise presidente sa social media noong Marso 6, ipinaskil ng Bise Presidente ang art card tungkol sa isang church mass na gaganapin sa San Pedro Cathedral sa Davao City.
Ayon sa anunsyo, ang misa ay nakatakdang idaos sa Miyerkules, March 11, 2026, mula 12:00 ng ng tanghali hanggang 1:00 ng hapon.
Nakalagay sa poster ang mensaheng “Bring Him Home,” na sinasabayan ng panawagan ng panalangin para sa ligtas na pagbabalik ng dating pangulo.
“A church mass to pray for the safe return of Former President Rodrigo Duterte,” nakasaad sa anunsyo.
Hinimok din ang mga dadalo na magsuot ng berdeng kasuotan bilang simbolo ng pakikiisa sa panalangin.
“Feel free to wear anything green,” ayon pa sa paanyaya sa naturang post.
Photo courtesy: Inday Sara Duterte/FB
Sa Miyerkules, Marso 11, isang taon na ang nakalilipas simula nang arestuhin si FPRRD ng ICC.
Maki-Balita: TIMELINE: Unang anibersaryo mula sa pagtugis ng ICC kay FPRRD hanggang sa pagdinig ng confirmation of charges