April 13, 2026

Home BALITA National

'Anong pumipigil sa kaniya?' De Lima kinuwestiyon si PBBM sa 'di pa pagsali ng PH sa ICC

'Anong pumipigil sa kaniya?' De Lima kinuwestiyon si PBBM sa 'di pa pagsali ng PH sa ICC
Photo courtesy: Leila de Lima/FB, Bongbong Marcos/FB


Tila isang palaisipan kay Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Atty. Leila de Lima ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umaanib ang Pilipinas sa International Criminal Court, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kaugnay ito sa kumpirmasyong ibinaba ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro hinggil sa desisyon at posisyon ni PBBM sa pagsali sa ICC.

“Hindi nagbabago ‘yong stance ng Pangulo, hindi pa rin po tayo ngayon magre-rejoin sa ICC,” saad ni Usec. Castro sa isang pahayag sa media noong Lunes, Marso 9 (oras sa Estados Unidos).

MAKI-BALITA: Palasyo, wala pa rin planong isali ang Pilipinas sa ICC-Balita

Sa ibinahaging pahayag naman ni De Lima sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Marso 10, sinabi niyang dapat nang ibahin ni PBBM ang kaniyang posisyon, at isali na ang bansa sa nasabing korte.

“Ano pa nga bang hinihintay ni Pangulong Marcos Jr.? Anong pumipigil sa kanya na bumalik ang Pilipinas bilang miyembro ng ICC?” panimula ni De Lima.

Aniya, “BBM should change his position and make the Philippines rejoin the International Criminal Court. His current and continued posture sends the wrong signal both to the Filipino people and the global community.”

Giit pa ng mambabatas, ang muling pag-anib ng bansa sa ICC ay magbibigay ng katiyakan sa mga Pilipino na ang mga susunod na “tyrants” at “mass murderers” ay mapapanagot na sa kanilang mga gagawing krimen.

“On the other hand, rejoining the ICC would assure the Filipinos that future tyrants and mass murderers would be brought to justice and held to account for their atrocity crimes, should our domestic system prove unwilling or unable to investigate and try the cases,” anang mambabatas.

“Conversely, by remaining outside the ICC, the government risks perpetuating doubts about our country’s commitment to justice and weakening the political and moral resolve to go after perpetrators and masterminds of international crimes,” pagtatapos niya.

Matatandaang nagsimula noon pang Nobyembre 1, 2011 ang pagiging State Party ng Pilipinas sa Rome Statute.

Noon namang Marso 17, 2018, nag-withdraw ang bansa sa ICC sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumipas ang saktong isang taon, pormal na tumiwalag ang Pilipinas sa naturang korte noong Marso 17, 2019.