April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!
The Freeman via LTFRB (FB)

Tinatayang 15 katao ang sugatan mula sa salpukan ng isang jeep at sedan sa Cebu kamakailan, kung saan lima pa rito ay nadaanan lamang ng mga sasakyan nang maganap ang insidente. 

Base sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes, Marso 10, nagpadala na sila ng “show-cause order” sa operator ng public utility vehicle (PUV) upang maimbestigahan ang mga naging pangyayari sa likod ng insidente. 

“We want to know every detail of the incident not only to determine accountability but also come up with road safety policies,” saad ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II sa nasabing pahayag. 

Bukod pa sa transport operator, ang drayber din ng kotse ay pinagpaliwanag rin sa pamamagitan ng liham, hinggil sa kaniyang panig. 

Parehang kampo ay ipinatawag sa isang pagdinig. 

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Sa kasalukuyan, inatasan ni Mendoza ang LTFRB Region 7 na tumulong sa kakailanganing bayad sa insurance ng mga biktima, maging sa kanilang mga pangangailangang medikal.