Mariing pinabulaanan ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez ang kumakalat na espekulasyon sa social media na siya umano ay buntis.
Usap-usapan online ang umano’y pagbubuntis ng aktres matapos magtanong ang isang netizen sa comment section ng kaniyang post kung totoo bang buntis siya.
Sa screenshot ng komento na kumalat sa social media, mababasa ang tanong ng netizen.
“Sabi sa balita buntis daw si ate Janine? Pero di naman siya mukhang buntis dito.”
Agad itong sinagot ng aktres at diretsahang pinabulaanan ang naturang balita.
“FAKE NEWS!!!!!” maikling tugon ni Gutierrez sa nasabing komento, na naka-all caps pa.
Photo courtesy: via Fashion Pulis (FB)
Si Janine ay jowa ng award-winning actor na si Jericho Rosales.
Anyway, inaabangan na ang muling pagbabalik sa telebisyon ni Janine, na ang huling proyekto ay "Lavender Fields" kung saan nakasama niya si Echo, gayundin si Jodi Sta. Maria.