February 01, 2026

Home FEATURES BALITAnaw

BALITAnaw: ‘Siblings’ warlahan!’ Mga magkakapatid na nag-away ngayong 2025

BALITAnaw: ‘Siblings’ warlahan!’ Mga magkakapatid na nag-away ngayong 2025
Photo courtesy: File photos


Ayon sa kasabihan, “Blood is thicker than water,” na siyang sinusuportahan ang tradisyon at kultura ng mga Pilipino bilang mga “family-oriented” na mga indibidwal.

Ngunit sa pagtatapos ng 2025, tila naging laman, pugad, at saksi ang taong ito ng mga pasabog at kontrobersiya hinggil sa family affairs at issues.

1. Kim Chiu vs Lakambini Chiu

Ang versusan ng mag-sisteret na Kim Chiu at Lakambini Chiu ang isa sa mga pumutok na isyu patungkol sa mga magkakapatid na nag-away, na umabot pa nga hanggang sa demandahan.

Kamakailan kasi ay napaulat ang pagsasampa ng kaso ng Kampamilya actress at host na si Kim Chiu sa kaniyang kapatid dahil sa umano’y “financial discrepancies” sa negosyo.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, kinasuhan ang sisteret!-Balita

Nawindang ang mga netizens matapos mabalitaan ang pagkakaso ng naturang aktres sa kaniyang kapatid.

Mababasa kasi sa mga ibinabahagi nilang posts na tila “close” naman sila at maayos ang tunguhan sa isa’t isa.

Noon pa nga’y napaulat na na-ospital si Lakambini, at dahil sa concern ni Kim sa kapatid, nanghingi pa ito ng tulong sa iba na ipagdasal ang kaniyang ate.

“Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon yun ay prayers para sa ate Lakam ko. Everything happened in a snap of a finger. She is my strength, and now the word strength becomes blurry. Please pray for her recovery,” ani Kim sa kaniyang post.

Sinuklian naman ito ni Lakam ng isang matamis at makabagbag-damdaming pasasalamat.

"Thank you for always being there for me…You never LEFT my side…I’m able to open my eyes every morning because of you. And I regained my purpose in life the second time around because of you. I couldn’t thank you enough for everything you have done! I Love you my #QueenChiu #KimChiu #supergrateful," ani Lakambini.

Matapos ang napabalitang kasuhan, hindi na muling umalingawngaw pa sa publiko ang naturang pasabog sa magkapatid na Chiu. 

MAKI-BALITA: Dating iniyakan, ngayon ay kinasuhan! Anyare sa mag-utol na Kim at Lakam Chiu?-Balita

2. Awayang “Tulfo Brothers”


Nagulantang ang netizens matapos tila magpuksaan ang “Tulfo Brothers” dahil sa umano’y isyu ng pag-aalok ng “indecent proposal” ng dalawang politiko sa VMX actress na si Chelsea Ylore.

MAKI-BALITA: ‘Tip pa lang paldo na!’ Senador, mayor niyaya VMX actress ng bembangan-Balita

Kahit na hindi pinangalanan, nagbigay kasi ng clue si Chelsea, na siyang naging dahilan upang makabuo ng espekulasyon at haka-haka ang netizens, na kumaladkad sa pangalan ni Sen. Raffy Tulfo.

Dulot nito, hindi napigilan ng beteranong radio broadcaster at kolumnista na si Ramon Tulfo na ibahagi ang kaniyang depensa para sa kaniyang utol.

“May mga haka-haka na ang kapatid kong si Raffy ang tinutukoy. Hindi ako makapaniwala sa balita dahil takusa (takot sa asawa) ang kapatid ko kay Jocelyn,” giit ni Mon Tulfo sa kaniyang social media post kamakailan.

“Pero ipagpalagay na natin na totoo: Eh, ano ngayon kung nambabae siya? Ang nakakahiya ay kung nanlalaki ang kapatid ko gaya ng isang lalaking mambabatas na mahilig sa basketbolista,” patutsada pa niya.

MAKI-BALITA: 'Ano ngayon kung nambabae?' Ramon Tulfo, mas mahihiya raw kung nanlalaki utol na si Sen. Raffy-Balita

Tila nagpanting naman ang tainga ng kanilang kapatid na si Ben Tulfo, at hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng kaniyang komento.

Aniya, “epal,” “sawsawero,” at “kunsintidor” daw ang kaniyang utol matapos sabihin ni Mon na ayos lamang daw na mambabae, huwag lang manlalaki.

Resbak naman ni Mon sa isang social media post kamakailan, pinagdasal niya raw na sana ay hindi manalo si Ben sa pagtakbo nito noong nakaraang eleksyon.

“Ayaw namin ng political dynasty. In fact, pinagdasal ko ng taimtim na huwag manalo si Ben noong nakarraang eleksiyon. Salamat at dininig naman ang dasal ko  Bukod sa magiging tatlo ang Tulfo sa Senado kapag nagkataon ay may sira-ulo pa na senador,” aniya.

“Di bale nang senador sina Bong Go, Bato dela Rosa, Lito Lapid at Robin Padilla dahil matitino ang kanilang pag-iisip. Hindi si Ben. May sarili siyang mundo. Kaya di namin pinapatulan si Be sa kanyang diatribes laban sa akin at kina Raffy at Erwin ay dahil may kapansanan siya sa pag-iisip,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, tila hindi na ito napag-usapang muli at hindi rin narinig ang komento ni Sen. Raffy Tulfo patungkol dito.

3. Nancy Binay vs Abby Binay

Tanyag ang mga Binay hindi lamang sa kanilang balwarte—ang Makati City—kung hindi maging sa buong bansa.

Naging pangalawang pangulo lang naman si dating Vice President Jejomar Binay mula 2010-2016. Nakakuha rin ng puwesto sa pagkasenador ang anak nitong si Nancy Binay, na ngayo’y Mayor na ng Makati.

Ngunit tulad ng ilang political family, humarap din sa mga isyu ang Pamilya Binay, na siyang naging usap-usapan din sa loob at labas ng kanilang lungsod.

Kamakailan, napaulat ang banggaan nina Mayor Nancy Binay at kapatid nitong si dating mayor at senatorial aspirant Abby Binay.

Bunsod ito ng umano’y last minute settlement agreement sa “Makati Subway Project” na aabot sa ₱9 bilyon—na siya umanong pinirmahan ni Abby Binay, pitong araw bago ito bumaba sa puwesto.

Ayon sa agreement, mapapasakamay ng Makati City ang “full ownership” ng subway project, kasama na ang assets nito.

Kapalit nito, babayaran ng Makati Local Government Unit (Makati LGU) ang ₱9 bilyon sa loob ng 90 days. Kapag hindi raw ito na-settle, obligado ang LGU na magbayad ng ₱1.7 bilyon plus interes.

Giit ni Mayor Nancy, hindi raw wastong isalang ng nakaraang Konseho ang Makati sa ganitong sitwasyon nang walang konsultasyon.

4. Lino Cayetano vs Alan Peter Cayetano

Hindi direktang pagtatalo ang namagitan kina dating Taguig City Mayor Lino Cayetano at utol nitong si Sen. Alan Peter Cayetano, ngunit makailang beses nang nagpambuno ang kani-kanilang mga sentimyento sa iba’t ibang isyu.

Ang magkapatid ay madalas na magpatutsadahan at magresbakan bunsod ng kanilang taliwas na paniniwala.

Kamakailan lamang ay hinamon ni Lino Cayetano ang kaniyang kapatid na magsimula sa kaniya ang pagbitiw ng mga politikong nasa ilalim ng political dynasty, upang maipakita nito ang kaniyang sinseridad.

“Be that one Sen Alan and you will be remembered by all sides as someone who layed the groundwork for real change,” ani Lino.

Ito ay matapos magbigay ng suhestiyon si Sen. Alan Cayetano patungkol sa pagbaba ng mga apektadong politiko.

"People have lost trust in government and government officials. Honestly, who can blame them? So here’s a thought: WHAT IF we all just resign and allow a Snap Election. From The President, Vice President, Senate, and Congress. With One Important Addition - No Incumbent From The Above Can Run For 1 Election Cycle," ani Sen. Alan.

MAKI-BALITA: 'No Cayetano should run in 2028!' Lino Cayetano, suportado mungkahi ng utol na si Sen. Alan

Binuweltahan ulit ni Lino ang mga naging pahayag ng kaniyang kapatid, matapos nitong sabihin na ang lahat ay “guilty” sa usapin ng korapsyon.

“Hindi po ako agree dito. These are the kinds of statements from traditional politicians that spark anger. Sa pangkalahatan—ang sambayanang Pilipino—lalo ang pangkaraniwang pamilyang Pilipino—sa Taguig man o saan man sa Pilipinas—ay God fearing. Gusto ng tahimik at maayos na buhay,” giit niya.

5. Pangulong Bongbong Marcos vs Sen. Imee Marcos

Ito na marahil ang pinakapasabog sa mga “Siblings’ war” na naganap ngayong 2025, matapos madawit sa isyung ito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sen. Imee Marcos.

Nagsimula ito noong dumalo si Sen. Imee sa ikinasang malawakang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) kontra katiwalian.

Mabigat ang naging akusasyon ni Imee dahil aniya, gumagamit daw ng ilegal na droga si PBBM.

“Batid ko na nagda-drugs siya. Malaman ko at nalaman ng pamilya, seryoso ito. Minsan, kami ng presidential guard… ang naglilinis tuwing nagpa-party po sila,” ani Sen. Imee.

“Namuhay kaming magkakapatid sa ibang bansa. Kami-kami lang. Kinumbinsi ko pa si Bongbong, pakasalan mo na si Liza. Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya, malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon. Ang laki ng pagkakamali ko. Mas lumala ang kaniyang pagkalulong sa droga dahil parehas pala silang mag-asawa,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM-Balita

Hindi naman napigilan ng Pangulo at binuweltahan niya ang mga alegasyon at paratang ng kaniyang nakatatandang kapatid.

"I do not like, we do not like to show our dirty linen in public. But so, I'll just say this much. For a while now, we've been very worried about my sister. When I say we, I'm talking about friends and family,” saad ni PBBM sa isang press conference kamakailan.

“And the reason that is because the lady that you see talking on TV is not my sister. And that view is shared by cousins, our friends, hindi siya 'yan... anong... hindi siya 'yan, so that's why we worry. We are very worried about that. I hope she [gets]... I hope she feels better soon," dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: PBBM worried kay Sen. Imee: 'I hope she feels better soon!'-Balita

Matapos nito, pumutok ang isyu na hindi raw sila tunay na magkapatid, matapos bumirada ang anak ni PBBM na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos kaugnay sa mga bintang ni Sen. Imee sa Pangulo.

"Sa lahat po ng binanggit ni senadora, walang basehan, walang katotohanan, at walang magandang idudulot sa bayan. Tinapos ng mambabatas ang pahayag niya sa "HINDI ITO ASAL NG ISANG TUNAY NA KAPATID,” saad ni Rep. Sandro sa isang pahayag.

MAKI-BALITA: Sandro sa paratang ni Sen. Imee sa 'drug addict' umano si PBBM: 'Hindi ito asal ng isang tunay na kapatid'-Balita

Mungkahi ngayon ng senadora, payag siya na magpa-DNA test, sa kondisyong magpapa-hair follicle test ang Pangulo.

"Gustong paingayin ni Sandro ang usap-usapang hindi ako tunay na kapatid. Isa lamang ang solusyon: Magpapa-DNA test ako, magpa-hair follicle test sila," saad ni Sen. Imee sa kaniyang Facebook post kamakailan.

MAKI-BALITA: Sen. Imee kay Sandro: 'Magpa-DNA test ako, magpa-hair follicle test sila'-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA


Inirerekomendang balita