Tila Merry na ang Pasko ng taga-Quezon City matapos manalo ng mahigit ₱84.1 milyon sa Mega Lotto 6/45 jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 26.
Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 29-22-25-37-41-34, kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na ₱84,182,510.
Nabili umano ng lucky winner ang lucky ticket sa Lucky Circle Corporation, SM Cubao Department Store, Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Upang makubra ang kaniyang premyo, pinayuhan ng PCSO ang lucky winner na magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.
Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.
Lahat naman ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.
Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55, na may winning combination na 24-42-33-19-06-20, at may jackpot prize na ₱152,234,211.80.
Muli ring hinikayat ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan