January 08, 2026

Home BALITA National

DOJ, handang magbigay ng ₱1M pabuya sa makakakapagturo kay Cassandra Ong

DOJ, handang magbigay ng ₱1M pabuya sa makakakapagturo kay Cassandra Ong
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, BALITA FILE PHOTO

Handa umanong magbigay ng ₱1 milyong pabuya ang Department of Justice (DOJ) sa makakapagbigay ng “credible” at “actionable” na impormasyong tungkol sa kinaroroonan ng puganteng si Cassandra Li Ong.

Ayon naging pahayag ni Acting Justice Secretary Fredderick Vida nitong Martes, Nobyembre 25, sinabi niyang handa umano silang magbigay ng pabuya para matunton at maiharap si Ong sa Regional Trial Court sa Pasig City. 

“Ang [DOJ] formally announcing... ₱1 million reward for credible, actionable information that will directly lead to the lawful discovery, location and subsequent arrest by authorized law enforcement agent of Cassandra Li Ong, who is presently the subject of ongoing criminal proceedings before the Regional Trial Court of Pasig City,” pag-aanunsyo ni Vida. 

Ani Vida, naglagak daw ang kagawaran nila ng pondo para sa layuning mapanagot Ong. 

National

11M bata, target mabakunahan sa Ligtas-Tigdas Vaccination ngayong Enero

“Itong bagay na ito, naglagak po ng kaukulang pondo ang Department of Justice para po mapanagot natin at maiharap natin sa Korte si Miss Ong,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya, batid daw ng karamihan na may kakayahan si Ong na umikot, lumabas, at pumasok sa bansa nang hindi natutukoy ng publiko. 

“Batid naman po natin sa nakalipas na may kakayahan sila na umikot, gumalaw, makalabas, at pumasok ng Pilipinas na hindi natutukoy ng ating…” ‘ika niya. 

“Ito po ay bahagi para po madala natin siya sa Korte para umusad na ‘yong kaso laban kay Miss Ong,” pagtatapos pa ni Vida. 

Matatandaang inihayag ni Sen. Win Gatchalian na matagal na raw hindi nakakulong si Cassandra Ong–-isa sa mga personalidad na nauugnay sa ilegal na operasyon noon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

MAKI-BALITA: ‘At large na!’ Cassandra Ong, kumpirmadong wala na sa kulungan!—Sen. Gatchalian

Bukod pa rito, matatandaang opisyal na ring kinansela ng Pasig City Regional Trial Court ang pasaporte ni Ong, kasama sina dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, mga ehekutibo ng Technology Resource Center na sina Dennis Cunanan, Ronelyn Baterna, at Mercides Macabasa noong Lunes, Nobyembre 24, 2025. 

MAKI-BALITA: Harry Roque sa pagkansela ng Korte sa kaniyang pasaporte: 'Iyan ay panggigipit sa akin'

Nahaharap umano ang mga nabanggit na indibidwal sa kasong human trafficking na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub Lucky South 99 at Whirlwind Corporation.

Mc Vincent Mirabuna/Balita