December 13, 2025

Home BALITA

Wind signal no. 1, nakataas na dahil sa bagyong Verbena; nakatakda ring mag-landfall

Wind signal no. 1, nakataas na dahil sa bagyong Verbena; nakatakda ring mag-landfall
DOST-PAGASA

Nakataas na tropical wind signal no. 1 sa ilang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao dahil sa Bagyong Verbena, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base weather bulletin ng PAGASA as of 8:00 AM, huling namataan ang bagyo sa 290 kilometers East of Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 55 kilometers per hour. Kumikilos ito pakanluran sa bilis ng 20 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas na sa tropical cyclone wind signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar:

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

LUZON
Southern portion ng Occidental Mindoro Southern portion ng Oriental Mindoro
Romblon
Northern portion of Palawan kabilang ang Cuyo at Calamian Islands
Mainland Masbate

VISAYAS
Central at southern portions ng Eastern Samar
Central at southern portions ng Samar 
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Cebu
Camotes Islands
Bohol
Negros Occidental
Negros Oriental
Siquijor
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique kabilang ang Caluya Islands
Guimaras

MINDANAO
Dinagat Islands
Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands
Northern portion ng Surigao del Sur
Agusan del Norte
Northern portion ng Agusan del Sur
Camiguin
Northeastern portion ng Misamis Oriental 

Samantala, nakatakdang mag-landfall ang bagyo sa Northeastern Mindanao mamayang tanghali bago tumawid pa-Visayas at Northern portion ng Palawan.

Ang bagyong Verbena ay ang ikatlong bagyo ngayong Nobyembre at ika-22 sa taong 2025.