Hindi na kabilang ang nursing sa itinuturing na “professional degree” base sa bagong depinisyon na ipinatupad ng administrasyon ni US Preisdent Donald Trump.
Ayon sa ulat ng US Today noong Sabado, Nobyembre 22, naglabas na ang gobyerno ng Amerika ng listahan ng mga propesyong maikokonsidera bilang professional degree.
Isa sa mga hindi nakasama rito ay ang nursing. Samantala, narito naman ang sample degrees na kinikilala bilang propesyunal:
-Pharmacy (Pharm.D.)
-Dentistry (D.D.S. or D.M.D.)
-Veterinary Medicine (D.V.M.)
-Chiropractic (D.C. or D.C.M.)
-Law (L.L.B. or J.D.)
-Medicine (M.D.)
-Optometry (O.D.)
-Osteopathic Medicine (D.O.)
-Podiatry (D.P.M., D.P., or Pod.D.)
-Theology (M.Div., or M.H.L.)
Kaya naman sa liham ng American Council on Education sa Office of Postsecondary Education noong Agosto 28, itinutulak nilang baguhin ang depinisyon kung ano ang ituturing lang bilang propesyunal para mapalawig pa at makapagdagdag ng mga programang gaya ng nursing, architecture, accounting, occupational therapy, physical therapy, special education, public health, at social work.
Samantala, naghayag ng pagkabahala American Nurses Association kaugnay sa kasalukuyang kategorisasyong ito sa usapin ng professional degrees.