January 08, 2026

Home BALITA

'Okay lang 'yon, meow meow!' Rep. Barzaga, hinggil sa alegasyong pakawala umano siya ng mga Duterte

<b>'Okay lang 'yon, meow meow!' Rep. Barzaga, hinggil sa alegasyong pakawala umano siya ng mga Duterte</b>

Nagkomento na si  Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga hinggil sa mga alegasyong pakawala umano siya ng kampo ng mga Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Barzaga nitong Huwebes, Oktubre 30, 2025, sinagot niya ang naturang akusasyon laban sa kaniya.

“People are free to say whatever they want. Okay lang ‘yon, meow meow,” saad ni Barzaga.

Matatandaang minsan na ring nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi raw nila pakawala si Barzaga, kasunod nang mga pang-aatake nito laban sa kasalukuyang administrasyon.

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

“Hindi ko pakawala si Kiko Barzaga,” anang Vice President.

“Sa tingin niyo ba, sa personality ni Congressman Kiko Barzaga, isa siyang tao na ma-handle ng kahit sinoman,” pahabol pa niya. 

Saad pa ni VP Sara, “Nakikita n’yo naman ‘yong kaniyang independence sa kaniyang pag-iisip, e. Nakikita n’yo din ‘yong kaniyang lakas ng loob. Nakikita n’yo din ‘yong prinsipyo n’ya.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Hindi ko pakawala si Kiko Barzaga:' VP Sara, nilinaw pagkakakilala kay Congressmeow

Samantala, matapos amining minsan niyang sinuportahan ang Uniteam noon, sinagot na rin ni Barzaga kung nasaang panig daw siya ngayon.

“Sa Team Meow meow. Ako yung meow meow,” ani Barzaga.

KAUGNAY NA BALITA:  Sagot ni Rep. Barzaga kung kung sino pipiliin sa pagitan nina PBBM at VP Sara: 'Team Meow!'