May 22, 2026

Home BALITA

2 bumberong rumesponde sa sunog, binugbog at pinalo ng dos por dos sa Port Area, Maynila

2 bumberong rumesponde sa sunog, binugbog at pinalo ng dos por dos sa Port Area, Maynila
Photo courtesy: screengrab GMA News/FB

Bugbog ang inabot ng dalawang fire volunteers mula umano sa dalawang lalaki sa pagresponde nila sa sumiklab na sunog sa Port Area, Maynila nitong Biyernes, Oktubre 17, 2025.

Sa panayam ng DZBB sa isa sa dalawang fire volunteers, iginiit nitong tila piang-initan umano siya habang naghihintay ng supply na tubig.

“Binugbog po ako. Dahil naghihintay po ako ng tubig. Dahil nawalan po ako [ng supply]. Kasi hinihintay pa yung supply. Ngayon wala ngang tubig, ayun binugbog na nila ako,” saad ng fire volunteer.

Bukod sa pambubugbog, pinalo rin daw siya at ang kaniyang kasamahan ng dos por dos sa kanilang likuran.

“Dalawa sila. Hinampas ako ng dos por dos sa likod pati yung kasama ko. Kaya tumakbo po ako kaagad,” anang biktima.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Naapula kaninang 2:22 PM ang sunog na umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago itong tuluyang maapula.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa dami ng mga tirahang natupok at pamilyang apektado ng sunog. 

Matatandaang noong Setyembre 14, nang maiulat naman ang hiwalay na insidente na dinaranas umano ng mga bumbero sa nirerespondehan nilang lugar matapos basagin at pagbabatuhin ng ilang mga residente sa Tondo, Maynila ang fire truck na aapula sa sunog na sumiklab noon sa Happyland, Tondo.

Ayon sa mga ulat, nabasag ang bintana sa gilid ng sasakyan matapos itong batuhin ng bato habang patungo sa Happyland. Pag-aari ang fire truck ng isang volunteer brigade mula sa labas ng Maynila. Wala namang naiulat na nasaktan sa mga sakay nito.

Nangyari ang insidente sa kasagsagan umano ng pag-aapula ng mga bumbero sa mabilis na kumalat na apoy na tumupok sa isang residential area at nagpalikas ng mahigit 1,000 residente.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang indibidwal, inatake truck ng bumberong reresponde sa sunog sa Tondo