Ikinagulat ng komedyanteng si Jack Logan ang biglaang pagpanaw ng conservative activist na si Charlie Kirk.
Ibinahagi ni Jack Logan sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Setyembre 11, ang pagkagulat niya sa pangyayari sa nasabing personalidad.
“Nakakagulat ang nangyari kay Charlie Kirk. Maraming natuwa sa kaniyang mga debate at marami rin siyang nabangga,” ani Logan.
“Pero kailanman ay hindi sagot ang dahas para patahimikin ang isang boses. Rest in peace, Charlie,” dagdag pa niya.
Umani naman ng samu’t saring komento ang nasabing post ng komedyante ukol sa biglaang pagpanaw ni Charlie Kirk.
“Mga walang bayag sa debate at hindi marunong tumanggap kung anong stand ng ibang tao ang gumawa jn.”
“Nasasaktan sila pag sinasabi mo ung totoo.”
“Naging Martyr si Sir Charlie. Very Tragic.”
“Alam nyo bakit sya pinatay ? Kasi takot ang mga tao s katotoohan.. unti unti n Kasi Sila nauuga s mga kinauupuan nila .. Lage ko p nmn pinapanood mga vids nya.. condolences sa pamilya.. Iniisip ko baka kung ano rin mangyare Kay Ben Shapiro.. bka magaya s knya”
“Isa ako sa humahanga sa kanya sa paraan nya ng pakikipagdebate. Nakakalungkot ang mga ganitong pangyayari sa mundo”
“Yan yung problema sa ibang tao pag di na makasagot sa discussion, dahas na gagawin dahil sa pride..”
“Dyan natin makikita na dumadami ang gamunggo ang utak sa america, ayaw makinig at intindihin ang argumento bagkos dadaanin sa dahas, ang masama meron narin tayo dito sa pinas.”
Ayon sa ilang ulat, ang pagpatay sa conservative activist ay isang political assasination.
MAKI-BALITA: Pagpatay kay Charlie Kirk, political assasination—Utah Gov. Cox-Balita
Tanyag si Charlie Kirk bilang isang right-wing activist at kilalang malapit na kaalyado ng Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump, pati na rin sa kaniyang mga kontrobersyal na debate na may kinalaman sa aborsyon at karapatan ng LGBTQ+ community.
Vincent Gutierrez/BALITA