December 14, 2025

Home SHOWBIZ

'Arjo cutie' ni Maine Mendoza, trending ulit!

<b>'Arjo cutie' ni Maine Mendoza, trending ulit!</b>
Photo courtesy: Neth Cosino (FB)


Trending ulit ngayon ang dating tweet ng TV host at aktres na si Maine Mendoza matapos madawit ang pangalan ng kaniyang asawang si Quezon City First District Rep. Arjo Atayde sa mga nakatanggap umano ng “porsyento” kapalit ng pagpapatuloy ng mga proyekto.

Sa pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, Setyembre 8, binunyag ni Pacifico “Curlee” Discaya, asawa ni Sarah Discaya, ang ilang opisyales ng pamahalaan na nakatanggap umano ng “porsyento” kapalit ng pagpapatuloy ng mga proyekto.

MAKI-BALITA: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya-Balita

Dulot nito, naging usap-usapan ulit ang X (dating Twitter) post ni Maine noong Hulyo 28, 2013 hinggil sa aktor at kongresistang si Arjo Atayde, na siyang nilaro naman ng netizens.

Ayon sa isang netizen, “arjo cutie to arjo huli?”

Sabi naman ng isang netizen, “ARJO CUTIE OR ARJO KURA-CUTIE??”

Hirit naman ng dalawang ito, huwag na raw si Arjo, back to AlDub na lang daw ulit.

Ang isa namang netizen na ito, napaawit pa ng "[Flood] Gave Me You!"


Samantala, nagbigay na rin ng pahayag si Rep. Atayde gamit ang kaniyang Instagram account ukol sa isyung nagdadawit sa kaniya na siya ay tumanggap umano ng porsyento sa mga proyekto ng Discaya.

“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito,” ani Atayde.

“I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya-Balita

Nagsalita na rin ang asawa ni Rep. Atayde na si Maine sa kaniyang X account nitong Lunes, Setyembre 8, ukol sa pagkakadawit nito sa nasabing isyu. Aniya, napaka-unfair daw nito at iyon ay mga “baseless allegations” lamang.

“Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. Wala siyang ginagawang masama sa loob,” aniya.

“He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka unfair,” dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: https://balita.mb.com.ph/2025/09/08/maine-umapelang-itigil-pag-atake-kay-arjo-napaka-unfair/

Vincent Gutierrez/BALITA