December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Baste Duterte nag-model ng drip; netizens, bet magpaturok

Baste Duterte nag-model ng drip; netizens, bet magpaturok
Photo courtesy: Baker Medical Aesthetics, Miguel Baker (FB)

Nagwala at "nag-init" ang mga netizen sa lumabas na endorsement ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte para sa isang drip.

"Model era" na nga ang vice mayor ng Davao City matapos niyang mag-pose para sa isang beauty and wellness clinic.

Makikita ito sa opisyal na Facebook page ng Baker Medical Aesthetics.

Naiibang Baste ang kaniyang inilantad matapos niyang i-flex ang kaniyang magandang pangangatawan at mga burdang tattoo sa mga braso.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Mababasa sa caption, "Energy that drives every move. Lead your day with vitality, focus, and confidence — the way Baste does."

Sa Facebook post noong Hunyo 30, ibinahagi ni Miguel Baker, may-ari ng nabanggit na kompanya, ang larawan ni Duterte habang nagpapa-gluta drip.

Subalit ang pormal na endorsement ni Duterte sa nabanggit na drip ay lumabas nitong Lunes, Setyembre 1. 

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"50 shades of baste ahaha"

"Saraaaaapppp"

"dzaddy baste anakan mo koooo"

"Wasaka mayor"

"MY FUTURE PRESIDENT"

"Ang guwapo hahahaa."

"Hotness overload!!!"

BASTE DUTERTE BILANG "HEARTTHROB"

Kinakikiligan at tinatawag na heartthrob ang anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noon pa man, lalo na sa kanilang mga tagasuporta, dahil sa kaniyang "boy-next-door charm" na kaakibat ng pagiging simple at natural.

Kilala siya sa kaniyang rugged look, relaxed na personalidad, at pagkapribado na lalo pa raw nagbibigay ng misteryo sa kaniyang pagkatao.

Hindi rin daw maikakaila na ang kaniyang pagiging approachable, at humor na namana raw sa ama ay nakakahatak ng atensyon, kaya’t marami ang naaaliw at nabibighani sa kaniya.

Idagdag pa raw ang hindi maitatangging magandang pangangatawan dahil sa kaniyang pag-eehersisyo at pagte-training ng boxing. 

Isa pa raw sa nakadagdag sa sex appeal ng Davao City Acting Mayor ay kaniyang mga tattoo sa katawan. 

Samantala, ang latest naman sa kaniya, ay nagbigay siya ng komento hinggil sa mga isyung kinakaharap ng mga anak ng kongresista at kontraktor na binansagang “nepo babies.”

Sa panayam sa kaniya ng kanilang mga tagasuporta sa The Hague, Netherlands noong Biyernes, Agosto 29, 2025, iginiit ni Baste na naaungkat daw ang isyu sa mga nepo babies dahil mulat na raw ang mga Pilipino.

"Ngayon lumalabas na kasi mas mulat na yung tao eh. Yung Pilipino, hindi naman talaga kailangan na sabihin mo na 'mahirap ako ganon ganon...' pero tama naman yung nagsi-circulate ngayon,” saad ni Baste.

Matatandaang umusbong ang malawakang pagpuna sa tila "lavish lifestyle" daw ng mga nepo babies o mga anak ng kontraktor at politko matapos ang pagputok ng umano’y isyu ng korapsyon sa flood control project at ang talamak na political dynasty sa bansa.

KAUGNAY NA BALITA: Baste sa isyu ng nepo babies: 'Mas mulat na yung tao eh!'