January 05, 2026

Home FEATURES Trending

‘It’s a love story, Taylor just said YES!’ Ang “love story” nina Taylor Swift at Travis Kelce.

‘It’s a love story, Taylor just said YES!’ Ang “love story” nina Taylor Swift at Travis Kelce.
Photo courtesy: taylorswift (IG)

He knelt to the ground and pulled out a ring and said, “Marry me, Juliet. You'll never have to be alone”

Literal na “in real-life” ang naranasan mula sa lyrics ng kantang “Love Story” ng american singer-songwriter at global superstar na si Taylor Swift. 

Sa post na inilabas ni Taylor ngayong Miyerkules, Agosto 27 sa kaniyang Instagram, ibinahagi niya sa publiko ang mga larawan mula sa engagement proposal sa kaniya ng nobyo niyang si Travis Kelce. 

“Your English teacher and your gym teacher are getting married,” saad ni Taylor sa kaniyang caption. 

Trending

'Mas marami pa akong maletang ipapadala!' Geodetic engineer couple, sinorpresa ni 'Zaldy Co' sa kasal

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Taylor ang sweet moments nila kasama si Travis. 

Sa ilang mga litrato, ipinakitang nakaluhod si Travis kay Taylor. 

Bukod pa rito, naroon din sa mga larawan ang engagement ring na tanda ng opisyal na pagiging engaged ng magkasintahan sa isa’t isa. 

Kilig naman ang hatid ng balita na ito para sa mga “Swifties,” na tagasuporta ni Taylor. 

Trending topic ngayon sa X ang engagement ng dalawa.

Matatandaang kamakailan lamang ay nag-anunsyo ng parating na 12th album si Taylor sa podcast ni Travis at kapatid nitong si Jason Kelce.

KAUGNAY NA BALITA: The Life of a Showgirl: Taylor Swift, ibinunyag bago niyang album

Sa inilabas na maikling clip na video ng New Heights noong Agosto 12, 2025 ibinunyag ni Taylor ang magiging titulo ng susunod niyang album. 

“This is my brand new album. The life of a showgirl!” ayon kay Swift. 

Wala namang inihayag na detalye si Taylor kung kailan at saan gaganapin ang kasal nila ng kaniyang kasintahan. 

ANG PAGSISIMULA NG  KANILANG LOVESTORY

Matatandaang unang inanunsyo ni Taylor Swift sa publiko ang opisyal na relasyon nila ni Travis Kelce noong Nobyembre 11, 2023 sa ginanap na concert ng singer sa Argentina. 

Niyanig ng “swifties” ang buong stadium ng concert ng singer nang baguhin nito ang lyrics sa kaniyang kanta na Karma. 

Mula sa “Karma is the guy on the screen coming straight home to me," at naging “Karma is the guy on the Chiefs coming straight home to me" na tinutukoy niya si Travis. 

Pero bago ang opisyal na anunsyong ginawang ito ni Taylor, nauna nang naging mainit ang usapan ng pagsasama ng dalawa sa mga naunang buwan bago ang Nobyembre. 

Noon pa lamang ay hindi na itinago ni Travis ang pagkakaroon niya ng interes kay Taylor. 

Madalas nila siyang banggitin sa podcast niya at ng kaniyang kapatid na si Jason Kelce.

Binunyag niya rin na pumunta siya sa Eras Tour ni Taylor sa Kansas City, Missouri noong Hulyo 2023 ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makausap ang singer. 

Noong Agosto 2023, naging usap-usapan ang nakakatawang interview sa team nila Travis nang tanungin sila kung sino ang natitipuhan nilang mga celebrities. 

Ibinunyag ng kakampi sa team ni Travis sa interview na mayroon siyang gusto kay Taylor. 

At noong Setyembre 24, 2023, nagulat ang maraming “swifties” at fans ni Travis nang magpakita si Taylor kasama ang pamilya ng football player para manood sa laban nito. 

Mula noon, madalas nang magpakita si Taylor upang manood sa mga laro ni Travis. 

Samantala, suportado naman ng mga “swifties” ang pagkakaroon ng relasyon ni Taylor kay Travis mula noon hanggang ngayon. 

Dahilan kaya hindi na nakakagulat na marami ang natuwa ang sa engagement proposal na nangyari para sa dalawa. 

Martes, Agosto 26 sinambit ni Taylor ang salitang “yes” na siyang magbubukas sa marami pang love story na pagsasaluhan nila ni Travis. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita