December 13, 2025

Home BALITA

Talak ni Sen. Erwin Tulfo sa mga contractor na ‘di sumipot sa Senado: ‘Parang ginag*go ang committee!’

Talak ni Sen. Erwin Tulfo sa mga contractor na ‘di sumipot sa Senado: ‘Parang ginag*go ang committee!’
Photo Courtesy: JL Abrina/MB

Tila kumulo ang dugo ni Senador Erwin Tulfo sa mga contractor na hindi dumalo para sa imbestigasyon ng Senado sa maanomalyang flood control projects.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee nitong Martes, Agosto 19, sinabi ni Tulfo na kapag inimbitahan sa Senado ang sinoman para sa isang imbestigasyon, kailangan nitong magbigay ng makatwirang tugon.

Aniya, “Hindi ho ‘yong may sakit, may nauna. E, para hong ginagago itong committee natin. May sakit, nagbakasyon na, may mga prior schedule.”

“Anong mas importante? Prior schedule or itong imbestigasyong ito? Because ₱544 billion ang pinag-uusapan natin. Not a small change,” dugtong pa ni Tulfo.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon kay Rodolfo Noel Quimbo, tumatayong Director General ng Blue Ribbon Oversight Office Management, 15 contractor umano ang pinadalhan ng imbitasyon upang humarap sa pagdinig na ito sa Senado. 

Ngunit 11 lang umano ang tumugon at pito lang sa mga ito ang nagpadala ng kinatawan.

Kabilang sa mga hindi sumipot na contractor si dating Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya sa mga hindi dumalo dahil sa umano’y prior commitment.  

Matatandaang kabilang ang dalawang kompanya ng Discaya sa Top 15 Flood Control Contractors ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sang-ayon sa datos na inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

KAUGNAY NA BALITA:  PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'