December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Maine, kinompronta noon si Alden: 'Ano bang nararamdaman mo?'

Maine, kinompronta noon si Alden: 'Ano bang nararamdaman mo?'
Photo Courtesy: Screenshot from Eat Bulaga TVJ (YT), via MB

Dumating pala sa puntong kinompronta ni "Eat Bulaga" host Maine Mendoza ang ka-loveteam niyang si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa feelings nito sa kaniya.

Sa latest episode ng podcast na "Tamang Panahon" noong Linggo, Agosto 17, sinabi ni Maine na totoong nagkagusto raw siya kay Alden noong ginagawa pa nila ang phenomenal na "KalyeSerye."

"Nainlab talaga ako kay Alden," saad ni Maine." Vocal naman ako. Kahit sino naman 'yong magtanong sa akin, sasagutin ko naman nang diretso. Nainlab ako sa kaniya. Pero hindi siya nanligaw. Walang gano'n." 

Pero ang mas nakakaloka, inusisa rin daw niya ang aktor tungkol sa nararamdaman nito sa kaniya!

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Ayon kay Maine, "Tinanong ko siya noon, e, kasi ang straightforward ko naman na tao. [...] 'Ano bang nararamdaman mo for me?'"

"Rekta kong tinanong sa kaniya," pagpapatuloy ng EB host. "Gusto ko lang malaman. Sabi ko, kung anoman 'yan, tatanggapin ko naman . Kailangan ko lang malaman."

"Ta's ayun, ang sabi lang niya, hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo kasi mawawala 'yong magic," dugtong pa niya.

Ngunit noong Oktubre 2023, sa bibig na mismo ni Alden nanggaling na  nagkagusto raw talaga siya kay Maine.

“Did you fall for Maine Mendoza?” tanong ni Asia's King of Talk Boy Abunda.

“Yes, Tito Boy,” sagot ni Alden. “Hypocrite po ako kung hindi. Yes. Ayoko pong sabihin na alam niya pero I did. I did confess.”

MAKI-BALITA: Alden Richards, nagkagusto kay Maine Mendoza: ‘I did confess’

Matatandaang nabuo ang "AlDub" noong unang makita ni Maine—bilang “Yaya Dub”— si Alden sa split-screen sa “Juan for All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga noong 2015.

Simula noon ay unti-unting namayagpag ang tambalan ng dalawa kaya nang hindi magkatuluyan sina Alden at Maine sa totoong buhay ay maraming fans ang naging delulu.

MAKI-BALITA: 'Delulu?' Arjo ikinasal daw sa clone ni Maine---AlDub fan

Sa kasalukuyan, dalawang taon nang happily married si Maine kay award-winning actor at Quezon City 1st district Rep. Arjo Atayde. 

MAKI-BALITA: Maine Mendoza at Arjo Atayde, officially married na!