December 21, 2025

Home FEATURES Human-Interest

Driver ng isang ride-hailing app, pinusuan dahil sa pagmamagandang-loob sa pasahero

Driver ng isang ride-hailing app, pinusuan dahil sa pagmamagandang-loob sa pasahero
Photo courtesy: Maxinne Villar Villamor/Threads

Kinagiliwan at pinusuan ng netizens ang viral na Threads post ni Maxinne Villar Villamor tungkol sa driver ng isang ride-hailing service na tumanggap sa kaniyang booking at nagtyagang suungin ang 9 na oras na traffic sa North Luzon Expressway (NLEX) Balintawak para maihatid siya sa Valenzuela, gabi ng Lunes, Hulyo 21.

Sa kaniyang post, ibinahagi niyang 6:00 ng gabi nang ma-pick up siya mula TriNoma Landmark sa Quezon City, ngunit dahil sa walang tigil na pag-ulan, 3:00 na ng madaling araw nang nakarating na sila sa kaniyang destinasyon sa Maysan, Valenzuela.

“Last night, I was stranded in NLEX Balintawak, tapos naka grab pa ako. Sobrang nahihiya ako dahil 6pm nya ako napick-up and halos 3am na kami nakarating ng valenzuela. I'm so thankful sa driver kasi never nya pinaramdam na nagsisisi siya na inaccept nya booking ko. Super bait pa nya, and lagi nag-aask if okay lang daw ba ako, if need ko daw food or water, then sabi ko okay lang ako,” mababasa sa kaniyang post.

At sa loob ng 9 na oras na traffic, ikinuwento rin ni Maxinne na bumaba pa ng sasakyan ang driver para bumili ng pagkain at tubig habang nakikibalita sa lagay ng traffic.

Human-Interest

ALAMIN: Gaano kadalas ba dapat magpalit ng kobrekama at punda ng unan?

“Nagpaalam siya na lumabas, sabi nya makikibalita daw siya, tapos bigla siya bumalik sa car, saying ‘Ma'am may nagbebenta ng jollibee don 100 each’, and ako naman dali-dali na nagbigay 200 para kami dalawa makakain. Tapos nag ask siya, ‘wala ka tubig, Ma’am no?’ Tapos tumakbo na naman siya para bumili ng tubig. Pagbalik, may dala siya water and biscuits,” kaniyang dagdag.

Kaya naman laking pasasalamat ni Maxinne sa nabanggit na driver, na hindi nagreklamo kahit na inabot pa sila ng 9 na oras sa paghahatid lamang sa kaniya, bukod pa nga sa pagmamalasakit nito at binilhan pa siya ng pagkain.

“Pagbalik, may dala siya water and biscuits. Tapos inooffer ko pa din ung jollibee, kasi naguiguilty pa din ako na ako lang kakain, sabi nya, Ma'am okay lang ako, sanay ako sa ganito. So, no choice kinain ko yung food.”

“To kuyang driver sa indrive - super thank you, kundi dahil sayo di ako makakauwi knowing na babalik kapa ng Pasig,” dagdag pa niya.

Bilang pasasalamat, nagbigay ng ₱ 1,500 si Maxinne kay Jayson higit pa sa inabot ng pamasahe niyang ₱ 707 pesos, at dahil naantig ang netizens, bukod sa mga positibong komento, sila rin ay nag-donate online sa pamamagitan ng phone number na naka-post sa dulo ng Threads post.

“Please inform kuya that he is receiving donations/tips from people because of his good deed. Kasi scammers will take advantage bec his number is posted. ”

“Ma'am you should msg him na nagviral ang post mo and mention also na people are sending money sa gcash niya. Baka magtaka lang siya ang daming nagsesend ng pera sa gcash nya buy kidding aside your story is so inspiring. Salute kay kuya! ”

“Hello Kuya, if you’re reading this, please open a Maya account. @j.agapito I can see some comments na limit na ata Gcash mo. You deserve more, kuya! Thank you for choosing to be kind

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Maxinne, nagbigay siya ng mensahe para sa driver na nakilalang si “Kuya Jayson.”

"Thank you kuya for the sacrifice and dedication to your work. Hindi biro yung ang ginagawa ng mga katulad niyo lalo na at sa mga pagkakataong kailangan niyong magsakripisyo ng oras at pagod. And again, thank you so much, God bless you and your fam."

Sean Antonio/BALITA