January 17, 2026

Home SPORTS

Legacy wall ng Senado, 'di apbrub sa netizens?

Legacy wall ng Senado, 'di apbrub sa netizens?
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Umulan ng samu’t saring mga komento at reaksiyon ang pinakabagong “legacy wall” sa Senado, bida ang mga larawan ng mga senador para sa 20th Congress.

Sa Facebook post ng Senado nitong lunes, Hulyo 21, 2025, ibinida ni Senate President Chiz Escudero ang kanilang mga larawan, ilang araw bago magsimula ang panibagong Kongreso sa Hulyo 28.

“The Legacy Wall, revealed ahead of the opening of the 20th Congress, features the 24 members of the Senate, including new and returning senators,” anang Senado.

Samantala, tila ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang mga reaksiyon at hinanap kung magkano rin daw ang nagastos ng senado sa bagong wall of legacy.

New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA

“How much po gastos n’yo diyan?”

“Gastos reveal muna.”

“Legacy of what? Legacy of forthwith and remand!”

“Binabaha na Pilipinas, ‘yan pa ang inunang ibida!”

“Pinakawalang kwentang line-up!”

“Waste of people’s money. Nauna pabida sa serbisyo.”

BASAHIN: KILALANIN: Magkakapatid na raratsadang senador sa 20th Congress