December 15, 2025

Home BALITA Internasyonal

Babae nakipagbembangan sa mga monghe, nasakote!

Babae nakipagbembangan sa mga monghe, nasakote!
Photo courtesy: Pexels/Freepik

"Huli pero kulong!"

Isang babae sa Thailand ang dinakip ng mga pulis matapos palihim na kunan ng larawan at video ang pakikipagniig niya sa mga monghe, upang pagkakitaan.

Ang monghe ay isang lalaking miyembro ng isang relihiyosong samahan na namumuhay nang simple, disiplinado, at kadalasan ay may mga panatang tulad ng celibacy o hindi pag-aasawa o pakikipagtalik, kawalang-ari-arian, at pagsunod sa mga utos ng kanilang pamayanan o relihiyon. 

Batay sa ulat ng international news outlets, kinilala ang suspek na si "Ms. Golf," na namba-blackmail umano sa mga mongheng nakatalik niya, gamit ang maseselang video nila.

Internasyonal

Mass shooting incident sa Sydney, walang nadamay na mga Pinoy

Ayon sa pulisya, posibleng kumita ang babae ng hanggang sa 385 milyong baht sa nakaraang tatlong taon mula sa blackmail sa mga monghe, na umabot naman sa siyam.

Natagpuan sa bahay ni Ms. Golf ang mahigit sa 80,000 na mga larawan at video na ginamit upang takutin ang mga monghe.

Dagdag pa sa ulat, ang perang natatanggap ng babae ay karaniwang ginagamit sa sugal.

Sa bansang China, nadakip ang crossdresser na si "Red Uncle" matapos niyang videohan nang palihim at ibenta online ang mga pakikipagtalik niya sa higit isanlibong lalaking nagpupunta sa kaniyang bahay.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit viral at ginagawan ng memes ang kuwartong ito?

KAUGNAY NA BALITA: Si Red Uncle at ‘pagtikim,’ pambibiktima niya sa higit 1,000 lalaki