Itinanghal na “Big Winner” ang duo nina Brent Manalo at Mika Salamanca o BreKa sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition nitong Sabado ng gabi, Hulyo 5.
Sina Brent at Mika ang nakakuha ng pinakamataas na total combined votes na 33.03%. Sila rin ang kauna-unahang nanalong duo para sa Celebrity Collab Edition.
Ang 2nd Big Placer Duo ay ang duo nina Ralph de Leon at Will Ashley (RaWi) (BreKa) na may total votes na 25.88%
3rd Big Placer Duo naman sina Charlie Fleming at Esnyr Ranollo (CharEs) matapos makakuha ng total votes na 22.91%.
At ang 4th Big Placer Duo naman ay sina AZ Martinez at River Joseph (AZVer) na may total votes na 08.77%.
Ginanap ang “Big Night” sa New Frontier Theater sa Quezon City.