December 13, 2025

Home BALITA

Lone bettor sa Metro Manila, jumackpot ng 72.3M sa lotto

Lone bettor sa Metro Manila, jumackpot ng <b>₱</b>72.3M sa lotto
FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

Jumackpot ng ₱72.3 milyon ang isang taga-Metro Manila sa Grand Lotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Hunyo 30.

Sa abiso ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 03-54-24-36-18-46 ng Grand Lotto 6/55 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na ₱72,366,751.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Novaliches, na sakop ng Caloocan City.

Pinayuhan naman ng PCSO ang lotto winner na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong IDs.

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

Nagpaalala rin ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

May isang taon lamang din umano ang jackpot winner upang kubrahin ang premyo, mula sa petsa ng pagbola dito, bago ito mapunta sa kawanggawa.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.