June 17, 2025

Home BALITA

VP Sara, 'di umaasang mabibigyan ng 2026 budget: 'Pag 'di kaalyado, walang pondo!'

VP Sara, 'di umaasang mabibigyan ng 2026 budget: 'Pag 'di kaalyado, walang pondo!'
screenshot from Inday Sara Duterte/Facebook

Hindi na raw umaasa si Vice President Sara Duterte na mabibigyan pa ng pondo ang kaniyang tanggapan mula sa ihahaing 2026 national budget.

Ayon sa Bise Presidente, tinatayang nasa ₱733 milyon ang asking budget ng Office of the Vice President (OVP), na ayon sa kaniya ay hindi raw ibibigay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

"Inaasahan ko naman na hindi ibibigay yung budget ng OVP dahil nga hindi naman kami kaalyado ng administrasyon. Nakita na natin yun noong nakaraang taon na hindi ka sumusunod, hindi ka kaalyado, hindi ka mabibigyan ng pondo para sa opisina mo," ani VP Sara sa press briefing nitong Lunes, Hunyo 16, 2025.

Giit pa niya, hindi na raw siya nanghingi ng mas mataas na budget dahil ayaw daw niyang mapahiya muli ang mga tauhan ng OVP.

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

"Ayoko na pinapahiya yung ibang personnel ng OVP lalo na 'pag andoon na sila sa House of Representatives o sa Senate," anang Pangalawang Pangulo.

Matatandaang noong 2024 budget hearing ng tapyasan ng Kamara ang asking budget ng OVP para ngayong 2025 mula sa ₱1.29 bilyon patungong ₱733 milyon.