June 17, 2025

Home BALITA

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan

Romualdez, kinondena tensyon sa Middle East; seguridad ng mga Pinoy, pinatututukan
Photo courtesy: Manila Bulletin, AP News

Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa international community maging sa ahensya ng pamahalaan tungkol sa lumalalang sigalot sa Middle East.

Sa kaniyang pahayag nitong Lunes, Hunyo 6, 2025, nangalampag si Romualdez sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy na makipag-ugnayan sa pamahalaan ng Lebanon, Israel at Jordan para sa mga Pilipinong nananatili sa nasabing mga lugar.

"We are watching these developments with grave concern. Under President Ferdinand R. Marcos, Jr., our foremost priority is the protection of our overseas Filipino workers who may be caught in the crossfire of this dangerous standoff," anang House Speaker.

Iminungkahi din niya ang diyalogo sa pagitan ng mga bansa sa Middle East kaysa dumaan umano sa mapaminsalang pamaraan.

Internasyonal

Conti, bumwelta sa pahayag na 'powerless' na si FPRRD: 'Lokohin mo lelang mo!'

"This is a time for dialogue, not destruction. Any further escalation will only deepen human suffering and destabilize an already fragile region," ani Romualdez. 

Dagdag pa niya, "This conflict is unfolding in a region that has known too much war and too full-blown crisis to erupt."

Samantala, nitong Lunes din nang iniulat ng DMW na ligtas nang nakabalik ng bansa ang 10 Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-stranded sa Dubai bunsod ng tensyon sa Jordan at karatig nitong bansa.

Habang isang Pinoy naman sa Israel ang patuloy na inaantabayanan ng gobyerno ng Pilipinas matapos siyang magkritikal bunsod ng pambobomba ng Iran sa naturang bansa.