June 16, 2025

Home BALITA

Sen. Bato, ‘kumagat sa AI video’ ng mga estudyanteng ayaw sa impeachment ni VP Sara

Sen. Bato, ‘kumagat sa AI video’ ng mga estudyanteng ayaw sa impeachment ni VP Sara
Photo courtesy: Senate of the Philippines, screengrab from Bato dela Rosa/FB

Pinutakti ng netizens ang comment section ng shared post ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, matapos umano siyang maniwala sa isang Artificial Intelligence (AI) video tungkol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Laman ng umano’y AI Video ang panayam sa mga estudyanteng nagpapahayag daw ng kanilang pag-alma sa impeachment ni VP Sara dahil sa confidential funds.

Mababasa naman sa caption ni Dela Rosa nitong Linggo, Hunyo 15, 2025 ang pagpuri pa niya sa mga estudyanteng nakakaintindi raw ng pangyayari.

“Mabuti pa ang mga bata nakakaintindi sa mga pangyayari. Makinig kayo mga yellow at mga komunista!” ani Dela Rosa.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Nagmula ang video sa isang Facebook page na “Ay Grabe” na kasalukuyan ng may 58,000 shares at 15.8k comments.

Samantala, bumuhos naman ang kritisismo ng netizens laban kay Dela Rosa at kinuwestiyon ang kaniyang kredibilidad bilang senador.

“Buti pa mga estudyante alam kung AI o hindi.”

“HAHAHAH BOB* NI KALBO!”

“Nakakahiya ‘tong senador na ‘to pumapatol sa fake news at AI.”

“And may your holy spirit guide you what is AI and not .”

“Nasa kulto niyo talaga ang pagiging bob* ‘no? O sakit n’yo talaga ‘yang mga DDS?”

“8080 talaga 'tong itlog na 'to.”

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa rin binubura ng senador sa kaniyang Facebook account ang nasabing AI shared video.