Hindi naiwasang pag-usapan ng mga fanney ang lalaking sumalubong kay Kapuso Sparkle artist Shuvee Etrata sa paglabas niya sa Bahay ni Kuya noong Sabado, Hunyo 14.
KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!
Hindi lang kasi basta sinalubong si Shuvee, niyakap pa siya at inabutan ng bonggang boquet!
Kaya sa Instagram post ng talent arm ng GMA Network noon ding Sabado, kinakiligan ng netizens ang picture ni Shuvee kasama ang lalaki. Narito ang komento ng ilan:
"MAY NANALO NA "
"Shuveeedu reunited with her TDH "
"ay ma, di pa big night pero big winner na! hot naman together"
"ANO BA YAN SHUVS, WALA PANG BIG NIGHT MAY BIG WINNER NA!!!"
"Feeling ko forced ang paglabas ni Shuvee kasi mag eEnca na"
"Give them a big break ang dami nilang fans @annettegozonvaldes"
"Ang supportive kanina ng tdh ni shuvee, todo vids and flowerssss"
"lumabas o hindi, panalo naman pala talaga ang Shuvee na yan ! "
MAKI-BALITA: OA sa kasweetan! ShuKla, 'Big Winners' sa mga sundo nila
Kinilala ang nasabing lalaki na si Anthony Constantino, isang model na nakapirma sa isang prestihiyosong modeling agency sa Los Angeles. Matatandaang siya rin ang napili para ibida ang official uniform ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.
Pero bukod sa paglaladlad ng katawan, umaarte rin si Anthony. Kaya hindi nakapagtatakang isa na siya ngayon sa mga bagong Sparkle artist.
Minsan na rin siyang nakasama ni Esnyr, housemate ni Shuvee sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,” sa YouTube series nitong “High School Hell Week.”
Ipinanganak at lumaki si Anthony sa California, USA. Doon din niya nakuha ang dalawang degree niya sa magkaibang field—Computer Information Systems at Business Administration!
Pero kahit sa ibang bansa nagmula at lumaki, niyakap pa rin ni Anthony ang kulturang Pinoy kalaunan. Ilan sa mga kinagigiliwan niyang gawin ay ang paglalaro ng basketball, beach trips, at pagpapanatili sa halos perpektong korte ng kaniyang katawan.
Samantala, hindi naman maiwasang isipin ng ilan na may namamagitan kina Shuvee at Anthony. Dati na kasing may lumutang na larawan si Shuvee habang karga-karga ng isang nakatalikod na lalaki sa dagat.
Suspetsa ng ilan, si Anthony ang naturang lalaki. Ngunit wala pa namang inilalabas na pahayag ang dalawa para itanggi o kumpirmahin ang mga ganitong intriga.