June 16, 2025

Home BALITA

Ilang paaralan sa Dagupan, 'shifting' sa pasukan dahil sa banta ng pagbaha

Ilang paaralan sa Dagupan, 'shifting' sa pasukan dahil sa banta ng pagbaha
Photo courtesy: DepEd Dagupan

Napilitang magkasa ng shifting schedule ang ilang paaralan sa Dagupan, Pangasinan dahil sa nananatiling banta ng pagbaha bunsod ng tag-ulan.

Kasalukuyang binubuo ng 31 public elementary schools, walong public high schools at tatlong integrated schools ang Dagupan City.

Bukod sa banta ng baha bunsod ng tag-ulan at high tide sa mga flood prone area, isa rin sa nakikitang dahilan ng Division office ng Dagupan ay ang nananatiling kakulangan ng bilang ng mga classrooms.

“There’s a lot of shortages sa classroom natin… We have several schools na nag-propose na sa akin for shifting due to baha,” ani Dr. Rowena Banzon, Schools Division Superintendent sa Dagupan.

Internasyonal

ALAMIN: Saan puwedeng humingi ng tulong ang OFWs sa Iran, Israel?

Kabilang ang Victoria Q. Zarate Elementary School sa mga paaralang magpapatupad ng shifting schedule dahil sa banta ng pagbaha. Habang ang North Central Elementary School naman ay magshi-shifting schedule na dahil sa nananatiling konstruksyon ng kanilang mga gusali.

Matatandaang kamakailan lang nang inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na tinatayang aabot umano ng 55 taon bago tuluyang masolusyunan ng pamahalaan ang kakulangan ng classroom sa buong bansa.

KAUGNAY NA BALITA: Kakulangan ng classroom, aabutin ng 55 taon bago masolusyunan—Sec. Angara